Walang kamalay-malay sina Nigel na naririnig ng dalawang matanda ang mga huling pangyayari sa loob ng nakapinid na pinto. "Mukhang hindi na natin kailangang ituloy ang plano natin, balae. Aba, eh tinalikuran na tayo ng kapalaran," bulong ni Don Alfonso. "Tama ka nga, balae. Mukhang sa hiyaw na iyon ay naiwagayway na ang puting bandila," tugon ng isa. "Tama ang hinala mo, balae. Mukhang nagkaigehan na ang dalawa," sabi pa ni Don Alfonso. "Ang problema natin, balae, hindi na matutuloy ang plano nating kunwari'y ang dalawa ang ipapakasal dahil may pananagutan si Nigel kay Bernice. Pero ang problema mo naman ngayon ay naging katotohanan na ang pananagutan ni Nigel. Dalawa na ang pananagutan ng bunso mo, balae." "Iyon nga lang, parang kinarma tayo sa kalokohan natin." "Hayaan mo, kakausapin ko si Bernice. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ninyo kaya alam kong maiintindihan niya kung kakausapin nating ilihim ang lahat." "Teka... teka, anong ibig mong sabihin? Anong kaka
Terakhir Diperbarui : 2025-05-22 Baca selengkapnya