Kahit na natalo, ay desidido pa rin si Jack na gawin ang gusto nito. Si Mr. Smith naman ay sumang-ayon nang marinig na tutulong din pala si Nynaeve sa plano nila. “Kung sa akin lang, Boss. Maganda ang plano ni Jack, isa pa tutulongan naman siya ni Miss Nynaeve kung kaya’t hindi siya nag-iisa…” Dahil sa sinabi ni Mr. Smith, agad na bumalik ang lakas ng loob ni Jack. “Gagawin ko ang lahat mahuli lang ang taong iyon! Ako pa ba, mahilig ako sa daldalan, alam kong makaka-close ko ang gurong iyon!” mayabang na sabi ni Jack kung kaya’t tumango si Aemond. “Sige, ikaw na ang bahala riyan, Jack. Huwag kang magpapahuli, I trust you.” “Sisimulan ko na ngayon ang pagmamatyag kay Sir Caden. Kung mayroon akong nakitang kakaiba, tatawag agad ako sa inyo. Huwag ka na munang sasama, Nynaeve, magphinga ka na lang muna,” seryosong sabi ni Jack sa dalaga. Habang pinapanuod nilang umalis na paika-ika si Jack ay nag-aalala namang tiningnan ni Nynaeve si Aemond. “Sure ka bang hindi mo pipigilan ang pi
Last Updated : 2025-08-08 Read more