“Galit na galit siya sa akin, Adam!” naiiyak na sumbong ni Herea sa kanyang nobyo kaya agad naman siyang niyakap nito“Love, unawain mo na lang siya, okay! Give her more time at malay mo, pagdating naman ng panahon, mapatawad ka na niya!” pang-aalo naman ni Adam kay HereaKahit pa hindi naman siya sigurado kung darating pa nga ang araw na iyon. Masyadong malalim ang sugat na ibinigay ni Herea sa mga ito at alam niya na hindi din magiging madali ang lahat para makuha ni Herea ang inaasam niyang kapatawaran.“I do, Adam! Naiintindihan ko naman at ang sakit lang dahil alam ko na imposible na iyon! Na hindi na ako mapapatawad ni Freeshia!” sabi pa ni Herea kaya niyakap siya ng mahigpit ni Adam““Sa bagay na yan, wala tayong magagawa, love. Na kay Freeshia ang desisyon at kailangan mong maghintay!” payo ni Adam kay Herea kay muli itong humikbi“Alam ko wala akong karapatang masaktan pero ang totoo, ang sakit na mikatang kinamumuhian niya ako! At wala naman akong sisisihin kung hindi ang sa
Terakhir Diperbarui : 2025-06-20 Baca selengkapnya