“Gosh, tama na ang drama, I need to go home, hinihintay na ako ni Nate,” sabat naman ni Lara na feeling okay na ang pakiramdam kahit nahihilo pa.“No, you stay there at magpagaling ka. Ipinasundo na siya ni Daniel at nadoon na siya sa mansion,” sagot naman ni Jake. “Lara, I’m sorry din sa sinabi ko sayo, I was out of my mind. Hindi kita pinakinggan dahil pinaghaharian ako ng galit. Buti na lang tinawagan mo pa rin ako sa oras ng panganib.”“Hay okay lang ‘yon.”“Lara, me and Daniel promise you na ibabalik namin sayo si kuya. Wala nang sinumang pwedeng humadlang.”Napatawa si Lara ng bahagya dahil sa katotohanang tinanggap na niya ang tuluyang pagkakalayo nila ni Liam. Hindi na siya umaasa pa, tama na, sarili naman niya ang kanyang iisipin. Baka talagang ito ang kapalaran nilang dalawa.“Ano ba kayo, hayaan na natin ang lahat. Tanggapin na lang natin na baka hindi talaga kami para sa isat-isa. Huwag na kayong gumawa ng anumang paraan. Sobrang dami na ng pangyayari na nagpahiwalay sa am
Last Updated : 2025-08-27 Read more