12:55 na kaya bumalik na kami kaagad sa front desk. Hindi ko masyadong na-enjoy ang pagkain ko hindi dahil magmamadali, kundi dahil sa mga rebelasyon ngayon. Pinipilit ko naman na kalimutan pero mahirap pa sa ngayon. Nakakainis lang dahil kahit gusto ko nang kalimutan at huwag nang isipin, hindi ko pa magawa. Naiinis din ako sa sarili ko. "Stella, huwag mo na lang masyadong isipin. Alam kong fresh pa pero huwag kang magpapaapekto," pag-aalalang sambit ni Ashley sabay tapik niya sa balikat ko. "Oo naman. Kaya ko 'yan," natatawa kong sagot. "Oo, kaya ni Stella 'yan. Si Stella pa ba? At saka takot na lang talaga niya kapag nagpaapekto siya lalo na kapag nasa trabaho baka kasi mamaya nandiyan lang sa tabi-tabi si Sir Kendrix at mahuli kang nadadamay ang trabaho mo dahil sa personal issue mo," wika naman ni Zack. "Makakalimutan nga rin 'yong mga mokong na 'yon," sabi ni Sean na halata ang inis sa tono. "Huwag kayong mag-alala. Okay lang ako at saka gusto ko rin talaga mag-focus s
Terakhir Diperbarui : 2025-10-09 Baca selengkapnya