"Sir tomorrow you have an eight o'clock meeting with Mr. Chu and in the afternoon you have an appointment with our local supplier. Regarding the bidding for the construction of the new branch the schedule is not yet finalized due to assessment of the bidders," report ni Alicia.Narinig ko ang mga sinabi niya pero sa iba nakatuon ang isip ko. Ilang oras na ang lumipas mula ng umalis si Althea sa office ko pero pakiramdam ko ay nandiyan lang siya sa baba. Hindi mawala sa isip ko ang reaksyon niya ng makita niya ako kanina. Halatang nagulat siya at alam kong Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko. Ang plano ko lang naman ay sabihin sa kanya ang totoo at kung ano ang nangyari sa akin. Ayoko pa sana sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi ko talaga inaasahan na mag-apply siya pero sa tingin ko ay hindi sinabi ni Nikka ang buong kwento base sa reaksyon niya kanina. Palaisipan din sa akin na hindi siya pinigilan ni Axel dahil imposibleng hindi niya
Last Updated : 2026-02-18 Read more