Maya-maya lang, dumating ang isa sa mga kapatid ni Maki na lalaki, may hawak itong champagne at umangkla sa braso ng kanyang kuya, “Maki, anong tinitingnan mo riyan?” pagtawag niya sa atensyon ng kanyang kapatid.Naputol naman ang mga bagay na iniisip ni Maki at tila bumalik ito sa sarili. “Wala naman,” tugon niya.“Let’s go, nandoon si Patrick, uminon tayo kasama siya,” pag-aya nito.“Sige.”***Samantala, sa loob ng dressing room.Nagturo si Angela ng iba’t ibang evening gown nanaka-hanger. "These are the four bridesmaid dresses I ordered, auntie, pumili ka lang ng gusto mo."Sanay si Irene sa mga ganitong bagay, kaya nang may nakita siya na magiging angkop sa kanya, agad na niya itong tinuro.“Ito,” aniya.“Okay, Tita. Maiwan muna kita rito para makapagpalit ka ng damit. Lalabas lang ako at titingnan ko kung nakarating na ang ibang bridesmaid,” pagpapaalam ni Angela kay Irene saka ito lumabas ng silid.Sa paglabas ng dalaga, sinimulan nang magpalit ng damit ni Irene. Sinuot niya an
Huling Na-update : 2025-06-16 Magbasa pa