Nakita niya si Dominic na kakapasok lang sa bahay, mabilis ang mga hakbang at punong-puno ng malamig na aura.Kitang-kita sa mukha nito ang pagod at pagkairita, parang sobrang naging abala buong gabi.“Mr. Villafuerte…” mahina at medyo alanganing tawag ni Manang Susan habang mabilis na bumaba para salubungin ito.Habang kinukuha ang coat nito, agad niyang sinabi, “Hinintay po kayo ni Ms. Skylie buong gabi. Kakakatulog lang po niya.”Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Dominic nang marinig iyon.Pagkatapos sunduin ni Henry si Skylie at ihatid pauwi, agad ding bumalik si Henry sa opisina. Ayon sa report ni Henry, napatawad na raw ni Skylie si Avigail. Ayaw pa nga raw nitong umalis sa bahay ni Avigail."Pero kahit ganoon… hindi ko pa rin mapapatawad si Avigail."At tungkol naman sa gusto sanang sabihin ni Skylie… halos alam na niya kung ano iyon.Hindi na niya gustong marinig pa si Skylie na kampihan si Avigail—hindi pa sa ngayon.Lalo na’t nakikita niyang lalong napapalapit si Avigail ka
Terakhir Diperbarui : 2025-06-26 Baca selengkapnya