LUMIPAS ang ilang minuto mula nang pagsisira ng mga makina sa gusali. Ang Briones Tower, na minsang simbolo ng kayabangan at yaman, ay unti-unting bumibigay sa lakas ng mga bulldozer. Ang ingay ng bakal at salamin na nababasag ay parang musika sa pandinig ni Vash.Puno ng alikabok ang paligid. Wala na rin ang mga tao at sobrang layo na sila. May kumalabit sa kanya, si Atty. Marcelo, hawak ang isang dokumento sa loob ng envelope."Mr. Ferrer," mahinang sabi ni Atty. Marcelo, "handa na po ang DNA result. Sigurado po kayong ipapakita natin 'to ngayon?"Sandaling tumingin si Vash sa paligid, sa mga camera, sa mga taong nagmamasid, sa mga Briones na ngayon ay nakaluhod na sa gilid na nakikiusap. Sa loob-loob niya, ramdam niya ang pagtibok ng puso niya."Nga pala, pinapasabi ng ama ninyo na umuwi ka mamaya sa bahay niyo."Alam niya na alam ng pamilya niya ang ginagawa niyang 'to ngunit magpapaliwanag na lamang siya. Hindi naman siguro magagalit ang kanyang ama at ang pumanaw na kanyang lol
Terakhir Diperbarui : 2025-11-11 Baca selengkapnya