Pagkatapos ng sunod sunod na klase, mabilis akong naglakad para takasan ang mga mata ng mga estudyanteng pakiramdam ko ay kanina pa sila nakamasid sa akin.Haay…, hanggang kelan kaya matatapos ang mga malas na araw ko? Pagliko ko sa Science building, nakita ko dun ang likod ng admin office na may path papunta sa open grounds. Tahimik palagi dun kapag ganitong oras. Tamang tama, kailangan ko ng konting hangin para makahinga.Habang papalapit na ako ng papalapit sa kanto ng quadrangle, napansin ko na parang hindi naman ganun katahimik ngayon. May mga estudyanteng nakatayo at hawak ang kani kanilang mga cellphone na parang nanonood ng palabas.Sa gitna ng damuhan, may backdrop na kulay gold at cream, portable lights at photographer na may DSLR. Mukhang may photo shoot pa yatang nagaganap. May isang natututuro ng anggulo. May stylist na nag-aayos ng buhok at assistant na may hawak na pulbos at sa gitna ng lahat nakaupo— si Danica.Siguro dahil model siya, kasi nakita ko sa gilid ang
Terakhir Diperbarui : 2025-06-05 Baca selengkapnya