Sandaling katahimikan ang namutawi.., pagkatapos ay parang may sumabog dahil sa lakas ng kanilang naging sigawan. Nagkagulo, naghiyawan at nagpalakpakan pa ang mga ito. “Putek. Nagpunta lang ako ng probinsya pagbalik ko, naghimala na. Teka–sino naman yung malas na babae?” nakangising tanong ni Lemuel. “Gray, kelan ko ba makilala ng personal?” tanong ni Shane na may malawak na ngiti. Walang balak si Gray na sagutin ang tanong ng mga ito pero narinig niyang nagsalita si Andrew. “Kapatid ng asawa ko. Wag kang mag-alala Shane, malapit na kayong magkita nun. First year college sa Edizon University. Kung nasaan si Gigi, nandun din yang si Gray. Talo pa niyan ang aso kung makabuntot.” Naiiling na lang si Gray dahil talagang binibisto siya ni Andrew sa mga kaibigan nila. Feeling panalo ito ngayon, dahil pinagmumukha siyang katatawanan sa kanilang grupo. Pero hindi pa tapos si Andrew sa pambibisto… “Kaya ayan, nagresign bigla sa hospital, para bantayan ang hipag ko. Takot masulo
Last Updated : 2025-05-23 Read more