“Miss A, Two chapters lang? Kainis tong author na to!” Sori na po agad.
3rd Person POVLahat ay sabay sabay na napatingin kay Shane.Bumalik siya sa canteen at ngayon ay nakatayo, naka-crossed arms, relaxed ang mukha pero matalim ang tingin na ipinukol kay Danica.“Narinig kong lahat ang sinabi mo. Tsk.. tsk.. Tsk.. Mukhang ibang version ang narinig ko kay Gray ah.” anito at nagpakawala ng nakakalokong ngiti.“Excuse me?” nakataas ang kilay na tanong ni Danica tila hindi kilala ang kausap.Ngumit si Shane dito.“Let me introduce myself first. I’m Atty. Shane Duran, Kaibigan ni Dr. Grayson Tuazon. I heard a lot about you, but not in a good way. According sa kaibigan ko, never ka niyang niligawan at never ka niyang sinagot. Alam mo ba kung bakit?” inihinto muna ni Shane ang sasabihin para sadyang bitinin. Saka ito muling nagsalita. “Dahil ikaw lang ang habol ng habol sa kaibigan ko.” tuloy tuloy na sabi ni Shane.Natigilan si Danica at hindi inaasahan ang narinig. Maging ang buong canteen ay natahimik din.“In case gusto mong pag-usapan ang legalidad ng
Pagkatapos ng sunod sunod na klase, mabilis akong naglakad para takasan ang mga mata ng mga estudyanteng pakiramdam ko ay kanina pa sila nakamasid sa akin.Haay…, hanggang kelan kaya matatapos ang mga malas na araw ko? Pagliko ko sa Science building, nakita ko dun ang likod ng admin office na may path papunta sa open grounds. Tahimik palagi dun kapag ganitong oras. Tamang tama, kailangan ko ng konting hangin para makahinga.Habang papalapit na ako ng papalapit sa kanto ng quadrangle, napansin ko na parang hindi naman ganun katahimik ngayon. May mga estudyanteng nakatayo at hawak ang kani kanilang mga cellphone na parang nanonood ng palabas.Sa gitna ng damuhan, may backdrop na kulay gold at cream, portable lights at photographer na may DSLR. Mukhang may photo shoot pa yatang nagaganap. May isang natututuro ng anggulo. May stylist na nag-aayos ng buhok at assistant na may hawak na pulbos at sa gitna ng lahat nakaupo— si Danica.Siguro dahil model siya, kasi nakita ko sa gilid ang
Gigi POVMagana akong kumain ng almusal. May inihanda si Lisa para sa akin na tapsilog pero hindi ko yun kinain. Para kasing may ibang hinahanap ang panlasa ko.Tinungo ko ang ref ay tiningnan kung may masarap bang makakain dun. Nakita ko ang isang container ng sinigang. Napangiti ako dahil parang yun talaga ang gusto ko. Kaya naman kinuha ko yun at ininit sa microwave. Medyo natabangan pa nga ako kaya inadjust ko pa ang timpla sa lasa na gusto ko. Pagkatapos sinimulan ko nang kumain na may kasamang kanin. Sobrang dami kong nakain. Gutom na gutom pala ako kaya naman pala nahihilo ako kanina pagising ko. Akala ko pa naman kung ano na.“Wow naman Ms. Gi bakit parang ang sarap niyang kinakain mo?” bati ni Sheryl nang mapasukan niya ako sa kusina. Kasunod nito sina Nancy at Lisa.“May inihanda akong almusal, hindi nyo po nakita?” tanong ni Lisa.“Natakam kasi ako sa sinigang na kinain natin kahapon. Mabuti at may tira pa.” sagot ko, patuloy pa rin sa pagkain.Napansin ko naman si Sheryl
Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang itanong ko yun. “Magkatrabaho lang kami.” mabilis niya sagot. “Talaga? Kasi sa nakita ko, hindi lang kayo basta magkatrabaho. Bakit kailangang sa dilim pa kayo mag-usap?” putol ko sa kanya. “Baby…” aniya at aktong lalapit sa akin, pero umatras ako. Kaya huminto na rin siya. “.... hindi ito kagaya ng iniisip mo. It’s all business.” sabi niya. Napapikit na lang ako ng mariin. Kahit siguro pitpitin ko ang itlog nito– hinding hindi ito aamin. Nakakapagsisi na umalis pa ako kanina, kung sana lang ay kinaya kong panoorin kung ano pang sunod nilang gagawin baka may sagot na ako ngayon. “Inaantok na ako.” sabi ko at naglakad palapit sa kama saka nahiga patalikod sa kanya. Galit ako ngayon at ayokong makipagtalo kapag ganito ako. Kilala ko ang sarili ko–matalas akong magsalita minsan. Kaya kung makikipagtalo ako sa kanya ngayon baka may mga salita akong mabitawan, hindi ko na mabawi at baka pagsisihan ko lang. “Matutulog na ako, Saka na lan
“Dr. Tuazon, I’m glad to see you here.” wika ng isang lalaking nakalapit na agad sa amin. Napunta naman dun ang atensyon namin ni Gray. “Mr. Punzalan…” bati nito. “Nandito na yung mga investors from Japan. Can you come with me for a minute?” wika ng lalaki. “Sure.” tugon ni Gray at hinawakan ako sa braso para isabay sa paglakad niya. Si Lorraine naman ay naiwang mag-isa sa pwesto niya. May 5 minutes na ring nag-uusap si Gray at Mr. Punzalan nang magpaalam ako kay Gray na magbabanyo muna para ayusin ang pin ng buhok ko. Pagpasok ko ng banyo, humarap ako sa salamin at maingat na inayos ang pin. Kasalukuyan ko yung ginagawa ng pumasok ang isang babae, ang hitad. Hindi ko na lang siya pinansin na parang walang nakita. Humarap din ito sa salamin, ilang dipa lang ang layo sa akin. Nagsimula itong magretouch ng kanyang mukha. Bigla na lang itong nagsalita pero sa salamin pa rin nakatingin. “Ang ganda nitong venue… specially sa labas.” anito. Hindi ako sumagot at parang
Gigi POVKinabukasan kahit hindi ko feel na umattend ng event na dadaluhan ni Gray na isang Corporate Ball, wala akong nagawa kundi ang sumama. Lalo na at nalaman kong hindi kasali dun ang mga Rufino. Ibig sabihin wala ang mga ate ko. Nung una ay nag-aalangan ako dahil baka ma-picturan na naman kami pero ang sabi ni Gray ay private event daw ito, bawal ang media at photography. Kaya sumama na ako. Nagpadala pa si Gray ng gown na isusuot ko, pati na rin ng mga mag-aayos sa akin. Hindi pa kami nagkikita simula kaninang umaga nang magising ako. Ngayon pa lang….Nakatayo siya sa harapan ko at sinusundo na ako. Napaka gwapo niya sa suot niyang all -blacktuxedo, sleek at classy, May silver InovaTech pin sa lapel. Habang ako naman ay naka-itim na velvet gown na may slit sa gilid at silver na spaghetti straps. Mahaba ang laylayan ng gown pero magaan. Loose low bun ang hairstyle ang ginawa nung tumulong sa aking mag-ayos. May ilang hibla din ng buhok ang sinadyang mahulog sa gilid para daw