"What are you doing here?" galit na tanong ni kuya.Hindi pinansin ni Marion si kuya at ang mga mata ay nasa akin lamang. "Palabas lang na nakalibing siya sa lugar na iyon?" nag igting ang panga niya, namula ang mga mata. "Why did you lie, wala kang balak sabihin sa akin na anak ko siya?""Please, Marion 'wag ngayon. Ayoko munang pag-usapan ang bagay na 'yan." pag iwas ko sa tanong niya.Ibinaling ni kuya ang tingin sa akin saka siya nagsalita. "Nakita niya na ang puntod ni Jailey?" tinanguan ko lamang siya. "H-How, kailan pa?" "Matagal na kuya, bago pa ko umalis papuntang Canada." paliwanag ko.Narinig namin ang pagbati ng mga katulong hudyat na dumating na si Mommy kaya inayos namin ang aming sarili dahil ayaw ko din na madagdagan pa ang stress ni Mommy. Nauna kaming umuwi sa kanya dahil gusto niya pang mag-stay ng ilang saglit pa sa sementeryo.Napatingin agad siya kay Marion, siguro ay nagtataka siya kung bakit nandito si Marion. Pero iba ang tingin niya. "You're here, Mr. Monte
Terakhir Diperbarui : 2026-03-02 Baca selengkapnya