"Tama na 'yan!" Ma-awtoridad na sabi ni Lola Pansing. Nilingon niya ang kanyang anak na nasa kanyang likod. "Ako ang nagpapunta kina Raine at Roberta rito kaya wala kayong karapatan para manumbat." Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Napabuntonghininga si Raine. Dinaan na lang niya sa pagyakap kay Mama Roberta ang kanyang inis. "Pagpasensiyahan mo na sila, Raine, Roberta," ani pa ni Lola Pansing. "Nagulat lang sila sa pagdating ninyo." "Oo nga, akala kasi namin, Tita. Patay ka na. Who would have thought na magigising ka pa pala after five years," wika pa ni Erasha. Nagsalubong muli ang kilay ni Raine. Akmang magsasalita na sana siya nang kurutin ni Mama Roberta ang kanyang kamay. Napatitig siya sa mata nito. Mahina itong umiling habang tinapunan siya ng makahulugang titig. "Iyang bibig mo, Erasha!" Sigaw ni Lola Pansing. "Wala na ba talaga kayo respeto?" "Ma, kalma lang po," saad ni Mama Roberta. "Tahan na po. Naiintindihan ko naman sila." "Hmmmpt." Siniringan ni Tiya Manuel
Last Updated : 2025-11-05 Read more