Raine Athena Villanueva is living her life as a normal person. Pero hindi gaya ng ibang dalaga, parating okupado ang oras ni Raine. Hanggang sa isang gabi, nagkaroon ng Team Building ang kompanyang pinagtrabahuan niya. Doon nangyari ang isang kapalaran na kayang magpabago ng buhay niya. Sa kalagitnaan ng gabi, habang tulog ang karamihan ay nagising si Raine. Noong una ay hindi niya pa maintindihan ang sarili dahil pakiramdam niya ay may mali sa kanyang katawan. Laking gulat nalang niya nang magmulat siya ng mata, doon niya nasaksihan ang isang kagimbal - gimbal na katotohanan. Aksidenteng nakasama niya sa pagtulog ang may - ari ng kompanyang pinasukan niya. Masyadong mabilis ang nangyari. Tutulungan lang niya sana ito pero hindi niya inaasahan na mauuwi sila sa gano'n. Alam niyang lasing ito at wala sa huwisyo nang may mangyaring sa kanila. Kaya gumawa siya ng isang desisyon. She decide to slipped it. Umalis siya nang kwarto at napanggap na parang walang nangyari. Pero matapos ang kalahating buwan, habang abala siya sa ginagawang trabaho ay tinawagan siya mismo ng kanilang CEO. Pinapunta siya nito sa opisina at hindi sinabi kung ano ang dahilan. Lito man ang isip, napilitan ang dalaga na magpunta. Pagkapasok niya palang sa opisina nito ay mabilis nitong sinabi ang sadya nito. "Marry me." Nagpakasal sila at nagustuhan siya ng pamilya ng lalaki. Pero kung gusto siya ng pamilya nito ang kabaliktaran naman ito sa mismong asawa niya. Dahil hindi siya nito gusto, at kinamumuhian siya nito.
View MoreCrassus entered the security code to access Raine's condo unit. Pagkatapos niyang itipa ang mga mumero ay kusang bumukas ang pinto. Tumabi siya para bigyan ng espasyo ang mag-ina para pumasok.Napaawang ang labi ni Roberta nang makita ang magandang condo. Napahawak siya sa kanyang dibdib sabay lingon kay Raine."Sa'yo to, nak?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Roberta.Napakamot ng ulo si Raine. "Parang gano'n na Hindi Po."Kumunot Ang kanyang noo. Napatingin siya sa paligid. "Akala ko ba sa'yo to?""Yes, bigay ko po 'to sa kanya," sabat ni Crassus sa usapan. "Labas mu ako. Kakausapin ko lang iyong security."Tumango si Raine. "Sige," sagot niya. Tinanaw ng mag-ina si Crassus habang tinatahak into Ang daan palabas. Nakadungaw naman si Kien. Nang makalabas na si Crassus ay kaagad sumunod si Kien sa amo nito."Raine, magsabi ka nga."Napalingon si Raine sa kanyang Mama. "Po?""Talaga bang bigay niya iyong condo na ito? O baka naman nanghingi ka?"Mabilis na umiling si Raine. "Hindi Po n
Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Dr. Riacrus kasama ang isang female nurse."Hi! Good morning!" Napaawang ang labi ni Dr. Riacrus. Napansin niya na kompleto ang anak ng kanyang kaibigan na pasyente niya rin."Wow! Is this a reunion? First time kung nakita na magkakasama kayo sa iisang kwarto!" masayang saad ni Dr. Riacrus. "At dahil diyan, totodohin ko na ang happiness ninyo."Nilapitan ni Dr. Riacrus si Roberta. Chineck niya ang vital signs ng pasyente. Gumamit din siya ng strethoscope para dinggin ang paghinga ni Roberta.Pagkatapos ay muli niyang hiningi ang medical chart na dala ng female nurse. Muli niyang binasa ang results ng mga lab nito. "Okay! Final result, makakalabas ka na, Roberta," masayang pahayag ni Dr. Riacrus. "Atlast! Makakauwi ka na!"Nagliwanag ang mukha ni Raine. Humigpit ang kamay niya sa paghawak sa braso ni Crassus. Kamuntik na siyang mapaiyak dahil sa saya.Sandaling napawi ang inis at galit ni Raine dahil sa balita. Natabunan ng good news ang kan
Pagkatapos marinig ni Raine ang pahayag ni Athelios ay biglang tumaas ang dugo niya. Nagpagting ang tainga niya. Pinutol niya ang paghahawak kamay nila ni Crassus. Tagis bagang na tinitigan niya si Athelios."Wala ka talagang modo eh no?" Napipikang wika ni Raine. "Natural lang na roon titira si Mama? Eh bahay niya iyon. Isa iyon sa mga binigay nina Lolo't-Lola. Tapos walang habas mo lang aangkinin?"Uminit ang ulo ni Raine. Pati ang kanyang kamay ay nangangatal dahil sa galit. Talagang sinasagad na nito ang pasensiya niya. "Bakit? Natural lang na maging akin iyon. Ako ang anak na lalaki. Alangan naman na lalayas pa ako sa bahay na iyon. Ayaw ko naman tumira kasama si Mama. Paano na lang kung gusto kung iuwi sa bahay si Marie? Mapepermiso pa kami?""At ano? Si Mama pa ang dapat mag-adjust sa kayabangan at kagaguhan mo?" inis na wika ni Raine. "Raine," hinawakan ni Crassus ang braso ni Raine. Pumiksi si Raine. Galit na tinitigan niya si Athelios. Dinuro niya pa ito
Hindi nagpatinag si Crassus. Malamig niyang tinitigan si Athelios. Maraming beses na niya itong nakita at kahit kailan ay hindi siya natatakot sa presensiya nito. Nagising na ang Mama ni Raine, natural lang na magpakita ito. Pero base sa nakalap niya na impormasyon— madalang daw bumisita si Athelios noong na-comatose pa ang Mama nito. Dadaan lang daw ito sa hospital kapag nalalaman nito na pupunta si Raine. Ngayon na nandito na naman si Athelios. May kutob na siya kung ano ang pakay nito. Maaring gusto talaga nito makita ang Mama, pero sa tabas ng ugali ng kapatid ni Raine—hindi na mahirap hulaan na may iba pa itong sadya.At iyon ang iniisip ni Crassus. Tinitigan niya si Raine. Napansin niya na taimtim itong nakatitig sa Mama nito.Binalingan ni Raine si Athelios. "Mabuti naman at naisipan mong bumisita rito?""Tch! Walang nagsabi sa akin na gising na ang Mama. Kung alam ko lang, baka matagal na akong naging suki sa pagbibisita rito," sagot ni Athelios.Umangat ang gilid ng labi ni
Naalimpungatan si Raine nang biglang may humaplos sa pisngi niya. Nalukot ang kanyang mukha. Nagdilat siya ng mata. Ang mukha ni Crassus na nakatunghay ang kanyang nabungaran.Nakasuot lang ito ng v-neck shirt at gray na pajama. Medyo magulo rin ang buhok nito."Hey," Crassus smiled faintly. "You're awake."Umungol si Raine. Pumikit ulit siya. Kinusot niya ang kanyang mata dahil naninibago pa siya. Biglang naalala ni Raine ang pag-uusap nila ni Crassus. Napabalikwas siya ng bangon. Inilibot niya ang kanyang paningin. "A-anong oras na?" Takang tanong ni Raine nang makitang nasa loob sila ng kwarto. Sinipat niya ang wall clock sa kwarto pero malabo iyon sa kanyang paningin."Past eleven in the morning," Crassus answered.Natigilan si Raine. Napayuko siya at hindi makatingin kay Crassus."Are you okay?" Umiling si Raine. "Hindi." Tinitigan niya si Crassus at tipid na ngumiti. "Pero..." Kinagat niya ang kanyang labi. "Naisip ko lang iyong nangyari."Napabuntonghininga si Crassus. Gina
"Raine, Raine, listen."Napatingin si Raine sa mga mata ni Crassus. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi."Listen," Crassus said. "I don't blame you—not even for a moment. I never did. All I want is for you to be okay. Maybe the baby it's really not meant for us. Baka hindi pa ito ang panahon para magkaanak tayo."Suminghot si Raine. Huminga siya ng malalim at muling umiyak. "P-pero Crassus." Humikbi siya. "Ang hirap tanggapin."Paanong nawala sa isang iglap ang anak nila? Pabaya ba talaga siya? Oo, wala pa talaga sa plano niya ang magkababy, pero kung may nabuo talaga, bakit hindi pa niya tatanggapin ang baby? Oo, magiging sagabal iyon sa mga plano pero hindi ibig sabihin niyon ay wala na talaga siya gusto.Mabilis na pinahid ni Crassus ang namumuong luha sa mga mata ni Raine. "Kaya sinabi ni Alessandro na kailangan mong magpatingin sa OB. Kasi nakunan ka," saad pa ni Crassus. Tumikhim siya. "Forgive me if I kept it as a secret. Alam ko kasi na magugulat ka. Nat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments