"Gusto mo, huhulaan ko?"Sumimangot ng husto si Raine. Kahit na kaharap pa niya si Crassus, talagang hindi na siya nahihiya na ipakita ang kanyang emosiyon.Tumalim ang mata ni Raine. "Tigilan mo na nga ako," asik niya. "Kailan ba ako pwedeng pumasok sa trabaho?""Next week."Hindi makapaniwalang kumurap si Raine. "N-next week? Napaawang ang labi niya. "Ang tagal pa no'n. Lunes pa lang ngayon.""So take your time to rest," Crassus said. "Ayaw mo no'n?""Hindi naman pwede na buong araw ako matutulog," pangatuwiran pa ni Raine. "Mabuburyo na ako rito. Wala akong kausap.""Nandiyan si Lolo. Bakit hindi mo siya samahan?"Ngumuso si Raine. "ng buong araw?""Yes."Lumaylay ang balikat ni Raine. "Gusto kong magtrabaho, Crassus. Matutuyo ang utak ko sa trip mo.""Then study. May mga libro ka naman diyan hindi ba?"Natahimik si Raine. Sandali siyang napaisip.Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. "Kung kulang pa ang mga libro mo, pwede kang pumunta sa study room ko. May mga libro rin sa librar
Huling Na-update : 2025-11-28 Magbasa pa