Semua Bab The Doctor Series 1: My New Life is You: Bab 61 - Bab 70

96 Bab

60- Choice

ChoiceAng tunay na pag-ibig ay hindi lang tungkol sa damdamin, kundi sa pagpili. Pinipili mong mahalin ang isang tao araw-araw, kahit sa gitna ng pagsubok at pagbabago📿 MARIKAH SYCHELLE Habang nananatiling nakaluhod sa harap ng altar, tumingala ako at pumikit, pinakikinggan ang katahimikan na tila yakap ng Maykapal matapos ang isang oras ng mataimtim na pananalangin.Nang dumating ako rito kanina, kasabay namang nagsimula ang misa para sa Paggunita sa Mahal na Poong Nazareno. Hindi ko iyon iniwasan at sa halip, tahimik akong nakiupo at nakinig, hinayaang lamunin ng mga salita ng homily ang bumabagabag sa aking puso.Pagkatapos ng misa, hindi ko na inaksaya ang oras. Kaagad kong hinanap si Mother Superior Glen. Nang magtagpo ang aming mga mata, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha bago kami mahigpit na nagyakapan. Ilang buwan na rin mula nang huli niya akong makita.Sa yakap na iyon, doon ko na sinabi ang aking pasya—ang hindi na ipagpatuloy ang landas ng pagmamadre.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya

61

MARIKAH SYCHELLE Puno pa rin ng kasabikan at di-makapaniwalang saya, nagtungo kami sa isang mataas na gusali. Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa elevator, at habang paakyat ito, naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Hideo sa aking kamay na tila pinapaalala niyang hindi na kami magkakahiwalay pa.Nang makarating kami sa pinakahuling palapag, inakyat pa namin ang hagdan patungo sa rooftop. Doon, sa ilalim ng mga bituin, ay nakatambad ang isang helicopter—ang parehong sasakyang ginamit niya upang makarating agad sa Batangas, upang ako’y maabutan.Napangiti ako habang tinatanaw ito. Hindi ko akalaing ang gabing ito ay magiging simula ng isang panibagong kabanata sa aming buhay.Mahigpit kaming magkahawak-kamay habang lumalapit sa helicopter. Nang malapit na kami, marahan akong inalalayan ni Hideo upang sumakay.Habang papasok ako, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa taas, ngunit sa kabila noon, ni katiting na kaba ay wala akong nadama. Hindi ako natatakot.D
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-31
Baca selengkapnya

62- Nuptial

HIDEO ADONIS Maaga akong nagising upang asikasuhin ang lahat ng kailangang ihanda para sa araw na ito. Biglaan man ang lahat, laking pasasalamat ko na lamang at umayon ang wedding organizer na kinausap ko. Hindi naman naging abala para sa kanila dahil isang intimate wedding lang ito, tanging ilang piling saksi ang naroon. Ibinahagi ko sa kanila ang bawat detalye, pati na rin ang lokasyon ng simbahan—isang lugar na matagal ko nang inihanda. Sa kabutihang palad, natapos ito bago pa ang itinakdang pagbubukas sa susunod na buwan. Ngunit ngayon, mas naging makahulugan ito para sa akin. Sa simbahan na ito ko tutuparin ang pangakong habambuhay—dito ko pakakasalan ang babaeng pinakamamahal ko. Pinili kong ipangalan ito sa isang bagay na malapit sa aking puso: Our Lady of Healing Grace—isang tahanan ng pananampalataya, pag-ibig, at bagong simula. Narinig kong nagising na rin sina Dok Ivo at Harmony. “Ako na ang bahala kay Marikah kapag nagising siya. Tawagan mo na lang ako kapag ayos na a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-01
Baca selengkapnya

63- Kindness

KindnessAng masayang pag-aasawa ay hindi perpekto, kundi puno ng pang-unawa, respeto, at kabutihang-loob sa isa't isa.📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi pa rin ako makapaniwala na ganap na kaming mag-asawa ng aking Irog. Mas lalo pang hindi ko lubos maisip na nagbakasyon lang ako para sa Christmas break, at pagbalik ko sa duty, kasal na ako.Nauunawaan ko naman at ipinaliwanag na rin sa akin ng aking Asawa ang dahilan kung bakit kailangang panatilihing lihim muna ang aming kasal. Sa totoo lang, gusto ko rin ang ideyang ito—hindi lang para sa aking seguridad kundi dahil mas nais ko ang isang pribadong buhay kasama siya.Mabuti na lang at sa Marikavan ginanap ang reception, sa mismong tahanan namin. Hindi na nakasama sina Harmony at Dok Ivo dahil nagkaroon sila ng biglaang duty. Samantala, ang best man ng aking Asawa ay kinailangang umuwi agad dahil hinahanap na raw siya ng kanyang asawa. Kaya’t si Lolo at Lola ang kasama naming bumalik sa Marikavan, habang sina Dominador at Clarina naman ay
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

64- Euphoria

Euphoria Ang tunay na kaligayahan ay hindi laging perpekto, pero sa piling ng tamang tao, parang walang ibang mundo kundi kayong dalawa🤵‍♂️ HIDEO ADONISNaramdaman ko ang marahang paggalaw ni Marikah, isang banayad na kilos na gumising sa akin mula sa mahimbing kong tulog. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at sa sandaling iyon, nakumpirma kong hindi ito isang panaginip.Lalo kong ibinuka ang aking mga mata upang mas mapagmasdan siya—ang babaeng pinakamamahal ko, na payapang nakahilig sa aking dibdib. Tahimik ang kanyang paghinga, at sa bawat pagtaas-baba ng kanyang balikat, ramdam ko ang init ng kanyang katawan na bumabalot sa akin.Isang ngiti ang sumilay sa aking labi. Totoo ito. Siya ang una kong nasilayan paggising, at mula ngayon, siya na ang makakasama ko sa bawat umaga.Buong ingat kong hinaplos ang kanyang napakagandang mukha, nag-iingat na huwag gambalain ang mahimbing niyang pagtulog. Tila isang obra maestra ang kanyang kagandahan na payapa, marikit, at higit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

65- Affinity

Affinity May mga kaluluwang kahit hindi pa nagtatagpo, tila matagal nang magkakilala—isang hindi maipaliwanag na pagkakaugnay na tinatawag nating tadhana.🤵‍♂️ HIDEO ADONISPagkalipas ng Tatlong Araw...Pagpasok ko sa loob ng HC, para bang napakatagal kong nawala. Maraming nangyari sa buhay namin ni Marikah nitong mga nagdaang linggo, at pakiramdam ko, isang buong panahon ang lumipas.Maaga akong dumating ng alas sais pa lang, nasa ospital na ako. Si Marikah naman, mamaya pang alas dyes ang duty. May kailangan pa akong tapusin habang hinihintay ko ang pagtatapos ng shift ni Harmony, na pansamantalang humalili sa mga naiwan kong papeles noong wala ako. Nag-extend ako ng tatlong araw pa mula sa aking leave para masulit ang oras kasama ang aking asawa.Noong unang araw, inasikaso namin ang paglipat ng mga gamit niya sa silid ko. Binago rin namin ang ilang dekorasyon, nagbigay ng bagong anyo sa kwarto. Sunod naming inayos ang dati niyang silid, na ngayon ay tutuluyan nina Lolo at Lola.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

66- Manifest

ManifestTahimik man ang panalangin mo, at simple lang ang pangarap—kapag pusong buo ang naniniwala, unti-unti mo itong makakamtan. I-manifest mo, araw-araw.👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Sa wakas, naamoy ko na ulit ang presensya ng ospital at balik na naman sa realidad. Grabe, sino’ng mag-aakalang sandali lang akong nagbakasyon sa probinsya para sa Christmas break, tapos pagbalik ko ay kasal na ako sa may-ari ng ospital na ’to?Ang bilis ng mga pangyayari, parang hindi pa rin ako makapaniwala.Nakarating na ako sa nurse station ng Surgery Department. Suot ko ngayon ang scrub suit, at halatang nanibago ang mga nakasalubong ko kanina sa pagpasok marahil siguro ay dahil wala na akong suot na belo. Ramdam ko ang mga tingin, kaya pakiramdam ko, baka kailangan ko ulit magsuot. Hindi talaga ako sanay na napapansin nang ganito.Walang tao sa station, siguro nagra-rounds pa. Kaya matapos kong ilagay ang bag ko sa locker, umupo muna ako sa swivel chair. Kinuha ko ang mga chart na nakapatong sa ibab
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-07
Baca selengkapnya

67-Adoration

AdorationAng pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, kundi isang pangako. Sa kasal, nagsisilbing saksi ang ating mga puso sa isang wagas at walang hangganang pagmamahal, na magkasama nating haharapin ang bawat hamon at pagsubok sa buhay.👨‍⚕️HIDEO ADONISKasabay ko ulit si Dok Rat. Paglabas namin kanina mula sa opisina, nadaanan ko ang ward kung saan naroon ang isa sa mga pasyente ko. Tatlo silang nasa iisang kuwarto, at halos sabay-sabay ang tuwa nila nang makita ako.Kinamusta ko sila, nagbiro, nakinig sa mga reklamo’t kwento. Medyo natagalan din ako, lalo na’t wala pa ang mga bantay nila. Ayos lang na ganoon talaga kapag gusto mong maramdamang may oras ka para sa kanila.Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang halos isang oras. Saka ko lang naalala na may kailangan pa pala akong puntahan. Si Athena, sa kabilang opisina na malapit sa Admin offices.Pagkalabas ko ng ward, saktong nasalubong ko si Dok Rat. Pabalik din siya, at gaya ko, may balak puntahan si Athena.“Parang ang sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-09
Baca selengkapnya

68- Haven

HavenSa gitna ng unos ng aking pagkatao, siya ang kanlungang hindi kayang tibagin ng panahon. Isang dambana ng pag-ibig na sa kanya ko lamang natagpuan👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Naglalakad na ako pabalik sa Nurse Station ng Surgery Department matapos ang pag-iikot ko sa mga pasyente. Ramdam ko na ang kirot sa binti at ang unti-unting panghihina ng katawan, lalo na’t may period cramps pa ako. Hay, bakit ko nga ba nakalimutang uminom ng paracetamol bago pumasok kanina?Kaya pagbalik ko talaga, iinom na ako agad. Hindi na yata kakayanin ng katawan ko ang isa pang oras nang walang gamot. Patuloy lang ako sa paglalakad, pinipilit balewalain ang pananakit—hanggang sa paglapit ko sa isang pinto, bigla na lang may humila sa akin papaloob.Muntik na akong mapasigaw sa gulat, pero natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Saglit akong natigilan… at saka ako napabuntong-hininga.Ang aking Irog lang pala.Ang palad niyang mahigpit ang kapit sa aking pulso, ang mga mata niyang tila ba sabik na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-11
Baca selengkapnya

69- Empower

Empower Sa bisig ng pag-ibig, ang puso’y tumitibay. Hindi ito tanikala, kundi pakpak na nagpapalipad sa atin tungo sa liwanag ng ating pagkatao👨‍⚕️ HIDEO ADONIS Parang isang kisap-mata lang ay Pebrero na pala. Ni hindi ko man lang namalayan, kung hindi ko pa napansin ang petsa sa table calendar.Maayos naman ang naging daloy ng araw-araw namin ni Marikah, ang aking asawa. Tahimik. Komportable. Walang nakakaramdam ni katiting na pagbabago sa loob ng ospital. Mukha namang walang nakakahalata na kami’y kasal na.At mas mabuti na rin siguro ang ganito, lalo na ngayong puspusan ang paghahanap ni Dominador. Bumalik siya ng Thailand, may kailangan daw siyang personal na kumpirmahin roon.Sa mansyon naman, palaging wala sina Athena at Dok Ivo. Madalas silang nadedestino sa ibang branch, o kaya nama’y may biglaang tawag mula sa Air Force. Kahit may kaba ako para sa kaligtasan nilang mag-asawa, ipinagkakatiwala ko na lang sila sa Diyos. Naniniwala akong hindi Niya sila pababayaan.Sa totoo
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-12
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
5678910
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status