Final ChapterParis, FranceTahimik kaming nakatayo ni Marikah sa loob ng Musée d'Orsay, sa gitna ng sining at katahimikan ng Paris, habang pinagmamasdan ang isang obra na minsang isinilang mula sa pangarap at pagdurusa.Heal the World—ang pamagat ng painting ni Sychelle. Ang kanyang huling obra. Ilang taon ko itong iningatan, hanggang sa ibalik ko ito sa kanyang mga magulang, upang maibahagi sa mundo, dahil ito ang isa sa kanyang pangarap na mapabilang sa kasaysayan ng sining.Sa mata ng marami, isa itong obra maestra. Sa akin, isa itong paalala ng isang pag-ibig na minsang naging lahat, at isang pagkawala na muntik nang sirain ang kabuuan ko.Pinagmasdan ko ang bawat hagod ng brush na banayad, masuyo, at buhay. Naririnig ko pa rin ang tawa niya noon habang ginagawa ito, habang binubuo niya ang mundong nais niyang paghilumin.“She would’ve loved this,” mahina kong bulong, halos kinakausap ko ang alaala.Tumingin sa akin si Marikah, pinisil ang kamay ko, at ngumiti."And now, the wor
Last Updated : 2025-05-20 Read more