All Chapters of The Doctor Series 1: My New Life is You: Chapter 81 - Chapter 90

96 Chapters

81- Tethered

TetheredKahit gaano kalayo ang marating natin, mananatili tayong nakatali sa isa't isa ng mga alaala, pangarap, at pagmamahal.👨‍⚕️HIDEO ADONISSinabi ko na nga ba ay maaabutan ko ang traffic. Umalis ako kanina nang dumating na sila Lola, Lolo, at Manang Dona. Ang aking asawa ang siyang mag-aalaga ngayon kay Lolo sapagkat mag-luluto sila Manang pati si Lola, at tutulong si Athena sa mga ito. Kaysa mainis sa traffic ay nilakasan ko ang aircon ng sasakyan dahil mukhang mahaba-habang hintayan ito. Naka-attached ang cellphone ko sa isang holder, nakita ko ang sunod-sunod na notification ni Les. Nakabukas pala ang data ko at nalimutan ko na isara kaninang kinuha ko ang pina-reserve kong lansones at rambutan, naubusan ako ng dalandan kaya maghahanap na lang akk mamaya dito sa Lipa. Ang traffic talaga rito ay hindi na nagbago. Pinindot ko ang video call, kaagad naman niya ito sinagot. “Magpaliwanag ka, bakit ngayon mo lang sinabi na ikinasal ka na? Ni hindi ko nga alam na nagka-girl fri
last updateLast Updated : 2025-04-28
Read more

82- Grace

GraceThe arrival of a child is a blessing from God—a reminder that with every new life, He pours out His endless love and grace.👨‍⚕️ HIDEO ADONISA few days later...Simula nang mawala siya, ang mga sumunod na taon ay naging mapurol. Bawat kaarawan ko, hindi ko na naramdaman ang kasabikan o kaligayahan. Sa labis na lungkot na bumalot sa akin, ang tanging hangarin ko tuwing sasapit ang aking kaarawan ay makita siyang muli. Isang simpleng hiling—ang mawala na sa mundo ito.Ngunit sa taon na ito, tila may bagong simula. May mga pagdapo ng kasabikan at kaligayahan na matagal kong nawalang dama. Isang bagay na hindi ko inasahan, pero dumating—siya. Ang babaeng nagbigay liwanag sa madilim kong mundo, ang nagbigay ng pag-asa upang makabangon muli.Siya ang bagong buhay ko.Ang aking asawa—si Marikah.At siya’y tulog pa rin, ang mga labi ay nakangiti habang pinagmamasdan ko siya. Inaasahan ko na mauuna siyang magising, sapagkat sabik na sabik siya para sa aking kaarawan. Nabanggit ko pa ng
last updateLast Updated : 2025-04-28
Read more

83- Beacon

BeaconIn the middle of all my wandering, you became my beacon — a light I never asked for, but you turned out to be the home I'd been searching for all along.👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Ito pala ang kasagutan sa mga hindi ko maipaliwanag na nararamdaman nitong mga nagdaang araw. Buong akala ko, pagod lamang ang sanhi at normal na kapag sunod-sunod ang shift hours ko. Pero ang pagseselan ko sa matatapang na amoy, na noon ay wala lang sa akin, naging hudyat pala ng isang bagong yugto sa aming buhay.Nakangiti akong napapikit. Napakabuti talaga ng Panginoon. Sa mismong araw ng kaarawan ng aking asawa, ibinigay Niya ang isang napakagandang balita — isang regalo na hindi kayang tapatan ng kahit anong bagay sa mundo.Napatingala ako sa kaharap naming altar, habang pareho kaming nakaluhod ng aking asawa sa loob ng maliit na prayer room. Tahimik naming ipinagpasalamat ang lahat—ang kanyang kaarawan, ang aming pagsasama, at higit sa lahat, ang bagong buhay na ibinigay sa amin.Marahan kong idina
last updateLast Updated : 2025-04-29
Read more

84- Merge

MergeSa pagsasanib ng ating mga landas, hindi na ako at ikaw, kundi tayong dalawa—magkaibang kaluluwa na ngayon ay iisang tibok.👨‍⚕️HIDEO ADONISInirapan ako ni Dok Rat at muling tinalikuran habang nasa isang sulok kami ng kanyang clinic. Katapat ng kinalalagyan niya ang bintanang may dim na kurtinang kulay baby pink. Sa kabilang dako, ang aking asawa'y lumipat sa may couch at inihilig ang ulo sa sandalan sapagkat nakakaramdam daw siya ng pagkahilo. Kaya nga dapat na talaga siyang masuri nitong si Dok Rat para malaman na namin ang mga nararapat gawin.Hinawakan ko ang braso niya, ngunit pumiksi siya.“Dok Rat... sorry na...”Daig ko pa ang isang lalaking sumusuyo ng nobya. Sa sobrang maunawain ng aking asawa, wala akong matandaan na siya'y naging 'tinotopak' gaya ng sinasabi ng iba. Palagi siyang kalmado, laging pinag-iisipang mabuti ang bawat kilos at salita.“Magpapaliwanag ako...”In the first place, dapat ko naman talagang gawin 'to — ang ipaliwanag kung bakit kailangan kong h
last updateLast Updated : 2025-04-29
Read more

85- Deceive

Deceive They smiled like the morning light, yet behind their gaze was the shadow of deceit. With every sweet word, I slowly faded away.👨‍⚕️HIDEO ADONISNasa meeting room kami ngayon ng team ko upang talakayin ang nalalapit na operasyon ni Les. Naka-iskedyul ito sa susunod na linggo, kaya puspusan na ang aming paghahanda—lalo na ako.Matapos ang ilang diskusyon, nagsitayuan na ang karamihan sa mga kasamahan ko, maliban kay Doktora Hera. Siya na lamang ang naiwan, abala at nakatutok sa kaniyang MacBook. Tahimik akong nakaupo, pinagmamasdan siya, habang muling bumabalik sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Dominador.Noong nakaraang linggo, dumating siya bitbit ang mga impormasyong nakuha niya mula sa Thailand.“Mabuti na lang at nabanggit ni Sisteret ang ‘what if’—na baka nagbago siya ng mukha, o buong pagkatao. Hindi ako mapalagay. Kaya bumalik ako sa Thailand. At ito ang lahat ng nakalap kong impormasyon—galing pa sa mga notorious na personalidad sa black market. Kasama pala ro
last updateLast Updated : 2025-04-30
Read more

86- Crave

CraveHindi kita basta gusto—ikaw ang hinahangad ng puso kong matagal nang nauuhaw sa tunay na pagmamahal👨‍⚕️HIDEO ADONISLulan kami ng sasakyan patungo sa lamay sa Nasugbu. Tahimik ang biyahe, at nakahilig si Marikah sa aking balikat habang mahimbing na nakapikit. Hawak ko ang kamay niya na mainit at banayad ang tibok, gaya ng palaging nagpapasaya sa akin.Alam ko namang may mga kakaibang cravings talaga ang mga buntis. Noon, tinatawanan ko pa si Yang Xi dahil sa pinaglilihian ng asawa niya—isang mangga raw, pero hindi basta-basta. Dapat galing pa sa pinakaunang puno ng mangga dito sa Pilipinas. Akalain mong gano’n ka-specific?Ngayon, mukhang siya naman ang makakabawi ng tawa. Kapag ikinuwento ko ang panibagong misyon ko, maghanap ng burol, hindi para maglamay kundi para lang makakain ng sandwich na mula roon. Tiyak, ako naman ang pagtatawanan.Buti na lang talaga may lamay kaming pupuntahan. Kung wala, malamang naghanap pa ako ng burol sa Google Maps, kahit dis-oras ng gabi.“Sa
last updateLast Updated : 2025-05-01
Read more

87- Intention

Intention Sa likod ng bawat kilos na payapa, naroon ang layuning dalisay—Pag-ibig ang binhi, at kabutihan ang ani ng pusong tunay.👨‍⚕️HIDEO ADONISIsang panibagong araw na naman ng pagpapanggap, isa na namang hakbang upang mas mapalapit ako sa halimaw. Kailangan kong makakalap ng mas matibay na ebidensya. Gusto man naming ipahuli siya agad-agad, wala kaming sapat na lakas ng ebidensya. Lalo na at naka-pending ang kaso, sapagkat hindi pa rin natutukoy kung saan nagtago ang dati niyang pagkatao.Kaya kailangan kong paghandaan nang husto ang bawat galaw. Hindi ito basta kasong pwedeng isapubliko nang walang matibay na basehan. Sa sandaling mailantad ko sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao. Ang pagiging kriminal niya, dapat ay wala na siyang matakbuhan.Kung hindi lang sa lakas ng koneksyon niya mula sa mga taong bahagi ng black market at mga notoryus na personalidad ay matagal na sana siyang nahuli. Kaya’t pinaasikaso ko na kay Dominador ang pagsuyod sa lahat ng contact niyang ma
last updateLast Updated : 2025-05-01
Read more

88- Tenderness

Tenderness Sa katahimikan ng isang haplos, naroroon ang dasal—hindi sa salita, kundi sa pusong marunong magmahal nang walang alinlangan👨‍⚕️ HIDEO ADONISNapahaba at napasarap ang tulog namin ni Marikah. Pagdilat ng mga mata ko, alas singko na ng hapon.Buti na lang talaga at wala akong naka-schedule na surgery ngayon. Halos si Athena na rin ang humahawak ng karamihan sa mga paperwork sa ospital. Unti-unti na rin niyang tinatanggap ang responsibilidad bilang kapalit ko sa Board of Directors ng HC Medical City.Ang totoo niyan, malaking ginhawa sa akin ang lahat ng ito.Matapos kong tuluyang mabayaran ang malaking utang ko sa mga Xi, lalo pang napadali ang merging nang ikasal sina Athena at Dok Ivo. Sa kanilang mga kamay, alam kong mas mapapatakbo nang maayos ang ospital ito'y magiging mas moderno, mas matatag, at mas makatao.Ngayon, mas kaya ko nang tutukan si Marikah at ang pagbubuntis niya. Mas mahalaga siya kaysa sa alinmang titulo o tungkulin.Pero bago ko tuluyang talikuran an
last updateLast Updated : 2025-05-01
Read more

89- Unravel

UnravelUnti-unti siyang nabubuking, hindi bilang pagkasira, kundi bilang pagbubukas ng lihim na matagal nang itinago ng puso.👨‍⚕️HIDEO ADONISHindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga litrato namin ng asawa ko sa gallery ng cellphone ko ang mga kuha ni Harmony noong nasa Ugbo kami. Tila ba may sariling liwanag ang ngiti ni Marikah; sino ba naman ang hindi mahahawa sa ganoong kasaya at tapat na ngiti? Natutuwa ako’t tila nahilig na rin siyang magpakuha ng litrato ngayon, malayo sa dating Marikah na halos palaging umiiwas sa camera.Habang tinititigan ko ang mga larawang ito, bumalik sa alaala ko ang mga unang buwan niya sa Surgery Department. Noon, ramdam na ramdam ko ang pagiging mailap niya,hindi sa mga pasyente, kundi sa mga kasamahan naming staff. Tahimik lang siya palagi, mas pinipiling mamalagi sa hospital chapel kaysa sumama sa lounge o makihalubilo sa amin. Para bang may bakod siya noon sa pagitan ng sarili niya at ng mundong ginagalawan namin.Kahit naka-dut
last updateLast Updated : 2025-05-03
Read more

90- Fearless

FearlessSa bawat pagsubok na dumarating, piliin mong tumindig.Ang tapang ay hindi laging sigaw—minsan, ito'y tahimik na pagyakap sa sakit habang patuloy kang lumalaban.👨‍⚕️ HIDEO ADONIS Parang walang nangyari.Ganyan ko mailalarawan ngayon si Niniana na kapatid ni Dok Rat, habang nakahiga sa recovery bed. Kung hindi ko hawak ang clipboard na may records niya, baka nakalimutan ko pa ang pangalan niya.Hindi pa nga lumilipas ang 24 oras mula nang isalba siya sa ICU, pero heto’t alerto na, may kulay na ang pisngi, at tila parang hindi muntik barilin sa loob ng sasakyan.Vehicular accident raw. Sa hindi pa rin klarong dahilan, nadiskaril bigla ang gulong ng sasakyan niya—tapos may lalaking nakamotorsiklo ang lumapit at nagtangkang pagbabarilin siya.“Nunca! Que bom que trouxeste o meu carro, Niniana! A blindagem ali é muito resistente.”(Mabuti na lang at ang sasakyan ko ang dala mo, Niniana! Napakatibay ng bulletproofing niyon.)Napatingin ako kay Dok Rat habang nagsasalita siya. N
last updateLast Updated : 2025-05-04
Read more
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status