ROSALINE'S POV: DELE VEGA CORP. “It's a group effort. Naiintindihan ba? kaya kailangan ko ng cooperation ninyo, malaking project ito. Biruin mo amusement park at mas triple ang laki kumpara sa mga kilalang amusement park dito sa bansa.” paliwanag ni uncle Joaquin sa meeting namin. Nakatayo siya ngayon sa harapan namin habang nagpe-present ng blueprints at target designs ng amusement park. Malaking project nga ito at aabot ng bilyones. “Guys, inuulit ko cooperation and commitment is the key. Teamwork ito kaya kakailanganin ko kayo sa loob ng ilang buwan. For the first month yung malalayo, Josh, Kara, Rosaline, Aya, Paulo pwede kayo mag stay sa Casa Joaquin kaya magpaalam na muna kayo sa mga relatives niyo. Just treat this as a vacation while working. Don't worry, libre na lahat pagkain walang problema basta sa buong meetings natin gawin niyo lahat ng makakaya niyo.” What?! kailangan namin mag stay sa Casa Joaquin?! hays! nakakainis! kakauwi ko lang samin pagkatapos ng apat na taon
Last Updated : 2025-04-02 Read more