All Chapters of MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]: Chapter 201 - Chapter 210

240 Chapters

200.(74.)

(Saddie pov) Sa mansion na kami tumuloy pagkagaling namin sa hospital. Mas maaalagaan daw kasi ako ni Tita Kiray kapag nasa mansion ako, lalo na kapag nasa trabaho si Morgan. Nahihiya ako dahil hindi pa naman kami pormal na mag asawa ni Morgan pero hindi pumayag ang mga ito na tumanggi ako. Para daw sa kanila ay pamilya na nila ako kaya hindi na ako iba sa kanila. Manghang-mangha ako ng makapasok sa kwarto na pinagdalhan sa akin ni Morgan. Mas malaki ito sa kwarto ni Morgan, kumpleto sa kagamitan at malawak pa. “Ito na ang magiging kwarto ko?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Akala ko kasi ay sa iisang kwarto lang kami ni Morgan matutulog. Doon kasi ako natulog noon kaya inisip ko na walang kaso na ‘yon kina Tita. Pero dinala ako dito sa pinakadulong kwarto dito sa ground floor. Ito daw ang pinalamalaking kwarto dito sa bahay. Parang hindi nga ito guestroom kung titingnan dahil sobrang laki talaga. Yumakap si Morgan mula sa aking likuran. Napahagikhik ako ng halikan ako nito sa
last updateLast Updated : 2025-04-12
Read more

201.(75.)

(Saddie pov) “Balae, humihingi ako ng pasensya sa mga masamang balita na narinig mo tungkol sa amin ng anak ko.“ Napahinto ako sa pagpunta sa sala dala ang meryenda ng marinig ang paghingi ni mama ng pasensya kay mommy Kiray. Nandito kasi sila mama ngayon kasama si tito para bisitahin ako at ang pagbubuntis ko. “Wala ‘yon, balae. Ang totoo niyan ay wala akong pinaniwalaan sa mga ‘yon. Alam ko na mabuting bata at dalaga si Saddie. Ni minsan ay hindi ko siya pinag isipan ng masama. Wag mo ng isipin ang mga bagay na ‘yon, balae. Ang kalusugan mo nalang ang alalahanin mo, hindi ka dapat nagpapadala sa mga ganyang balita.” “Salamat, balae. Napaka swerte ng anak ko dahil nagkaroon siya ng biyenan na katulad mo.” Sabi ni mama habang hawak sa kamay ang ina ni Morgan. Nag init ang sulok ng mata ko. Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako. Hindi lang ako swerte sa lalaking minahal, napaka swerte ko din sa magiging biyenan ko. Simula ng tumira ako dito ay hindi ko naramdaman na hind
last updateLast Updated : 2025-04-16
Read more

202.(76.)

Napahinto kami sa tawanan ng may kasambahay na dumating. “Sir, ma’am, may bisitang naghahanap sa inyo sa labas.” Bisita? Kumunot ang noo ni Morgan. “Magulang daw ho ni ma’am.” Nagkatinginan kami ni Morgan. Magulang? Eh nandito si mama kanina pa. Ibig bang sabihin ay si papa ito? Pinigilan ako ni Morgan ng susunod sana ako dito. “Stay here, my love. Ako na ang lalabas.” “Pero…” “Please.” Hinimas nito ang tiyan ko. “Ayokong duguin ka na naman dahil sa stress. Stay here or go our room, babalik din ako agad.” Pangako nito. Nagpakawala ako ng buntonghininga. Alam ko naman na nag aalala lang ito sa amin ng anak ko kaya tumango at sumunod nalang ako. Ewan ko ba. Siguro dahil sa mga ginawa sa akin ni papa ay nadala na ako at ayaw ng makita ito. Sobra kasi akong nasaktan sa ginawa nito. Habang naglalakad pabalik sa kwarto namin ay hindi ako mapakali. Sana ay hindi na manggulo si papa sa akin, sa amin. Masaya na ako at magkakaanak na kami ni Morgan. Kung may natitira pa ito
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

203.(77.)

(Saddie pov) Nangalumbaba na pinanood ko si Morgan habang naglalaro ng golf kasama si daddy Laxus at Kirk. Imbes na sa paglalaro nila matuon ang atensyon ko, hindi ko maalis ang mata ko sa gwapong mukha nito. Parang artista ito sa sobrang gwapo. Bagay na bagay ang suot nitong white polo at white trouser. Napakalinis tingnan at nakakahalina ang napakalakas nitong awra. Kaya nga hindi nakakapagtaka na nakuha nito ang atensyon ng lahat ng mga kababaihan rito sa buong field. Kahit sila daddy Laxus at Kirk ay hindi nagpapahuli sa angking kakisigan. Kaya mapamatanda at kalalakihan ay napapatingin sa gawi ng mga ito. Ibang klase talaga ang mga King. Walang itulak-kabigin sa mga ito! “Saddie, mag juice ka muna.” Alok sa akin ni mommy Kiray sa isang baso ng pineapple juice. “Thank you po, mommy!” Nandito kasi kami ngayon sa golf field na pag aari ng pamilya ng mga ito. Ayoko sanang sumama dahil inaantok ako. Parang ang bigat palagi ng katawan ko. Pero pinilit ako ni Morgan at momm
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

204.(78.)

(Saddie pov) “Congratulations sa inyong dalawa, Saddie at Mumu. Ngayong kasal na kayo, sana mas lalo niyo pang mahalin ang isa’t isa… lalo na ngayon na magkakanak na kayong dalawa. Sayang at hindi naabutan ng lola Juliana mo ang kasal niyong dalawa. Sigurado ako na matutuwa siyang makita kayong nakatali na sa isa’t isa.” Naging emosyonal si mommy Kiray ng maalala si lola Juliana. Si mama naman ay lumapit din sa amin. Katulad nito ay emosyonal din ito. “Binabati ko kayo, anak,” niyakap ako ni mama ng mahigpit. “P-parang kailan lang ay napakabata mo pa. Ngayon ay magkakapamilya ka na.” Luhaan itong bumaling kay Morgan at emosyonal ka hinawakan ito sa kamay. “Alagaan mo sana ng maayos ang anak ko, Morgan. Punan mo sana ang ang pagmamahal at pag aalaga na hindi ko nagawa noon sa kanya. M-mahalin mo ang anak ko ng higit pa sa sarili mo…” “M-mama…” “At sana qy hindi mo durugin ang puso niya katulad ng ginawa sa amin ng kanyang ama. Iyon lang, Morgan… iyon lang…” Napaiyak ako. Al
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

205.(79.)

(Saddie pov) “Sigurado ka ba iha sa gusto mo?” Hinimas ko ang tiyan ko bago tumango kay mommy. “Oho, mommy. Napag usapan na namin ito ni Morgan.” Sagot ko rito. Nandito kami ngayon sa isang obgyne clinic para magpacheck up. Ngayon kasi ang schedule ko para magpatingin sa doktor. Dapat si Morgan ang kasama ko pero nagkaroon ito ng mahalagang lakad kasama si daddy Laxus papunta ng Italy. Kaya si mommy Kiray ang kasama ko ngayon magpacheck up. Gusto ko sana ni Morgan na hindi sumama sa daddy nito dahil gustong-gusto nito na samahan ako magpacheck up pero pinigilan ko ito. Alam ko kasi ang responsibilidad nito bilang panganay na anak. Kailangan nitong tumulong sa pamilya nito pagdating sa pagpapatakbo ng mga negosyo. Saka may next time pa naman para sumama ito. Tumingin ako sa black and white na monitor kung nasaan ang imahe ng batang nasa sinapupunan ko. Napag usapan namin ni mommy Kiray kung kailan ko balak na magpa ultrasound. Pero wala sa plano namin ni Morgan na alamin a
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

206.(80.)

Hindi pala madaling magbuntis. Noong una ay nagki-crave lang ako sa mga pagkain. Pero ngayon ay palagi na akong nahihilo at sumusuka tuwing umaga. Mabuti nalang at nandiyan sila mommy Kiray. Ito ang nagpapakalma kay Morgan at nagsasabi na normal lang ang pinagdadaanan ko. “Bye, my love. Babalik din ako asap. Kailangan ko lang i-close ang deal na ito for the company.” Tumingin si Morgan sa ina pagkatapos nitont humalik sa labi ko. “Mom, ikaw na muna ang bahala sa asawa ko. Pagkatapos ng meeting ko ay babalik agad ako.“ tumingin ito sa akin. “Ano ang gusto mong pasalubong pag uwi ko?” Ngumuso ako. Lahat kasi ng gusto ko ay nandito na sa bahay, mapa pagkain man ‘yan o kung ano. Wala na akong hahanapin pa. Palagi kasi nitong sinisiguro na makukuha ko ang lahat bg gusto ko. “Basta umuwi ka lang ng ligtas ay masaya na ako, Mumu. Ingat ka ha…. I love you!” “I love you more, my love. I’ll go ahead, mom!” Humalik din ito sa noo ng mommy nito bago tuluyang nagpaalam. Nakangiti naman na
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

207. (81.)

Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

208. (82.)

(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
last updateLast Updated : 2025-04-20
Read more

209.(83.)

(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
last updateLast Updated : 2025-04-21
Read more
PREV
1
...
192021222324
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status