NASA loob ngayon ang ina ni Alex at bunsong kapatid nitong si Jude. Tuwang tuwa ang ina ni Alex dahil sa wakas ay nakadalaw rin si Brent. "Naku iho, alam mo bang itong nobya mo, ilang araw ka pa lang wala ay tila sabik na sabik na sa 'yo," saad ng ina ni Alex. Ngunit sina Alex at Jude ay nanatiling tahimik sa isa't isa at nakaw na nagtitinginan. "Wow, is it true Alex?" ani Brent sabay akbay sa fiancee nito. "H-ha...mmm, y-yeah, si nanay talaga binubuking ako," ani Alex ngunit tila hindi pa rin maayos ang linalaman ng kaniyang isipan at naka-focus pa rin ito sa ibang bagay. "Oh tikman niyo ito, masarap 'yan Brent favorite ni Alex ang suman na iyan," pag-anyaya ng ina ni Alex. "Wow, looks so delicious po," tugon ni Brent sabay kuha ng tinidor at nagsimula niyang tusukin ang nakabalot pang suman. Kaagad naman na natawa si Jude. "Kuya Brent, you're doing it the wrong way. Ganito kasi 'yan kuya, you pick it up and hubaran mo ganern!" pagbibiro ni Jude na halos matawa ang lahat mal
Last Updated : 2025-03-09 Read more