Chapter 40Kinaumagahan, "Goodmorning princess," bati ni Carsel noong makita pababa ng hagdan si Charlotte na ngayon nakabihis na. "Goodmorning tito," sagot ni Charlotte. Nagtataka tinanong ni Charles kung nasaan mom ni Charlotte bakit hindi ito kasama ng batang babae na bumaba. "Tulog pa mom mo?" tanong ni Charles na pinaghili ng upuan ang pamangkin niya. "Umuwi dad. Nasa kabilang room sila," sagot ni Charlotte. Napaubo si Carsel at naibaba ang tasa na hawak na may laman na kape. "Umuwi si Arlo? Bakit wala nag-informed sa atin? Nandito pa ba siya?" tanong ni Carsel tapos tiningnan si Charles. "Nag-insist siya ba huwag na kayo gisingin. Isa pa kahit iinformed kayo hindi niya din kayo haharapin. Pagkatapak na pagkatapak niya diyan sa may pinto dumiretso siya sa room ng mag-ina niya tapos hindi na bumaba," sabat ni Civian na ngayon naglalakad palapit sa table at naghihikab. Kasunod ni Civian si Benzo na agad binati ang batang si Charlotte na ngayon nakaupo na sa harap ng table ta
Last Updated : 2026-01-31 Read more