Kitang-kita ang pag-aalala sa kanilang mga mukha, at sa bawat hakbang nila palapit ay tila ba dala nila ang kalinga ng isang pamilyang handang dumamay kahit hindi nila lubos na maunawaan ang sakit.“Sara!” tawag ni Glenda habang mabilis na lumapit at umupo sa gilid ng kama. Inabot niya ang kamay ng dalaga at mariing hinawakan. “Ano’ng nangyari? Narinig ka naming sumigaw. Pagpasok namin, pawis na pawis ka, nanginginig pa. Diyos ko, akala ko kung ano na.”Sumunod si Romero, humahangos, at kita rin sa mukha ang matinding pag-aalala.“May narinig kaming iyak,” ani Romero. “Sabi ni Aling Dory sa kusina, may sigaw kang binigkas… ‘Anak natin… Love, bumalik ka na…’ Sara, nanaginip ka ba?”Hindi agad nakasagot si Sara. Tahimik siyang nakaupo, hawak pa rin ang kumot na parang ito na lang ang kaya niyang kapitan. Umiling siya. Tumango. Umiling ulit. Hindi rin niya alam ang isasagot.Sa huli, dahan-dahang bumuka ang kanyang bibig. Mahina ang tinig, halos pabulong, pero tagos sa puso.“Nanaginip a
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-06-04 อ่านเพิ่มเติม