"Naku, hindi, nagkakamali ka, Sir Kevin. Wala akong balak manggulo, mang-blackmail, o gumawa ng hindi maganda," sabi ng lalaki. "Saglit lamang ay babalik na ang sekretarya ko matapos maisalin sa proper documents ang mga bagay-bagay, Mister Gabriel. At gusto kong sabihin mo na sa akin 'yung mga bagay na wala doon sa kasulatan bago pa man may makarinig ng iba," sabi ni Kevin. "Unang-una, Mister Matrigal, gusto kong bigyan ka ng babala na ingatan mo si Misis Matrigal. Ah, hindi na nga pala siya si Misis Matrigal dahil ang alam ko, inaasikaso na ang kanyang separation sa asawa niyang si Kensho. Ang ibig kong sabihin, pakaingatan mo ang kasintahan mo, Mister Madrigal, nanganganib ang buhay niya," sabi ni Gabriel. "Nanganganib ang kasintahan ko? Teka, sandali, paano mo alam na kasintahan ko si Elise? At sino ang maglalagay sa kanya sa panganib?" hindi halos makapaniwalang tanong ni Kevin. Sinipat niya ang kausap mula ulo hanggang paa. Hindi naman ito lasing o kaya ay naka drugs. M
Last Updated : 2025-11-22 Read more