LOGINNaging bangungot para kay Elise ang naging buhay niya sa piling ng asawa niyang si Kenzo Madrigal. Masakit para sa kanya ang malaman na Kailanman ay hindi siya minahal ng asawa at ang yaman lamang nito na nasa lihim ng kasunduan ang hinantay nito. Matapos ipagtabuyan ng asawa ay umalis ng nangdadalang tao si Elise. Ngunit sa pasya ng tadhana isang taong may mabuting puso ang komopkop sa kanya walang iba kundi Si Kevin Madrigal ang kayang bayaw. Sa tulong at malasakit ni Kevin sa kanya ay nakaraos si Elie sa papghihirap sa papgdadalang tao at sa pamumuhay na mamg isa. Ngunti paano kung ang kapait ng tulong ng bayaw niya ay anng kahilignang bumalik sa mansion at lumaban biang legal na may karapatan ng lahaht ng meron siya bilang isang esposa ng isang Madrigal.Lalaban ba si Elise at pagbibigyan ang pakiusap ng lalaking nagkaroon nang puwang sa kanyang puso o mas pipiliin niya na lamang na manatiling nakatago para manatiling katabi niya si Kevin Madrigal
View More"Khalix, anong ginagawa mo rito sa labas, ha?" sigaw ni Soffie sabay hila sa braso ng dalawang taong gulang na anak.
"Mommy, Tita Elise, and I are playing ball. I want to play ball Mommy." sabi ng bata ng bulol pa. "Pumasok ka na at doon ka maglaro sa loob, huwag kang makipaglaro sa kahit sino lalo na sa kanya, maliwanag ba Khalix?" galit na sabi ni Soffie sabay tingin ng matalim kay Elise. "But I want to play with Tita Elise. Tita Elise help... let's play please," sabi ni Khalix. "When I said No! It's a No, Khalix! Ang tigas ng ulo mo!" sigaw ni Soffie sa bata. Umiyak si Khalix ng malakas kaya hinampas ito ni Soffie sa pwet at pinalo ang bibig. "Shut up! Huwag kang matigas ang ulo mo o ikukulong kita sa kwarto mo, gusto mo? Banta ni Soffie pero lalo lamang pumalahaw ng iyak si Khalix. Kumawala ito sa hawak ng ina at tumakbo at yumakap kay Elise. "Khalix, come back here. Ano ba?" sigaw ni Soffie. "Nakita mo na? pati ang anak ko binibrainwash mo siguro. "Hindi ko ginagawa yan Soffie, naglalaro ka lang kam......" "Tumahimik ka, how should I know. Baka nga pati asawa ko gusto mo pa ring ahasin, kunwari ka lang," inis na bintang ni Soffie. Kumunot ang noo ni Elise. Sakto naman dumating na si Kenzo at kung anu-ano ang isinumbong ni Soffie. Hinablot ni Kenzo si Khalix, pati si Soffie ay tumulong pa dahil talagang nakakapit ng mahigpit ang bata sa kanya na para bang takot na takot. Naalarma ni Elise nangbilang ulit kinurot at pinalo ni Soffie ang bata para lamang bumitaw sa kanya. "Kenzo, Kenzo, maawa ka, sabihin mo kay Soffie na huwag saktan ang bata.Huwag nyong paluin si Khalix, para nyo ng awa. Bitawan nyo ang bata.." sigaw ni Elise ng hablutin ni Kenzo at Soffie ang pamangkin niya at ilayo kay Elise. "Baliw ka ba? Wala kang pakialam kong anuman ang gawin ko sa anak ko," nakaismid na sabi ni Soffie. "Ano bang problema mo? Kung namatay ang anak mo sa pagkakasala huwag mong pakialam ang anak ng may anak!" galit naman na sita ni Kenzo sa kanya at itinulak pa siya bago tuluyang pumasok sa mansion ng mga Madrigal. Nasa labas sila ni Khalix ng hapong iyon dahil gusto daw maglaro ng bata ng bola. Sa kasabikan niya sa bata dahil nga ikinulong ito ng halos ilang buwan ay itinakas niya ito sa katulong. Wala ng nagawa si Elise ng ilayo na sa kanya si Khalix. Nakita pa ni Elise na patuloy na pinapalo ni Soffie ang anak habang nakatalikod naman si Kenzo na walang alam. Nang sumunod na araw ay hindi na naman niya nakita si Khalix pero may ilang pagkakatoan an naririnig niyang umiiyak ang bata. Nang gabing iyon, may kakaibang pakiramdam si Elise. "Elise pumasok ka na sa loob mahamog na sa terrace," pukaw ni Kevin sa kanina pa tulalang si Elise. Kararating lang niya mula sa opisina at hindi siya namalayan nito. "Kevin, ang bigat ng kalooban ko, bakit ganito.? Bakit iba ang pakiramdam ko sa bata? Bakit iba ang nararamdaman ko kapag niyayakap ko si Khalix?" sabi nito. Napahugot ng malalim na hininga si Kevin. Hinimas ni Kevin ang buhok si Elise, naawa siya dito. Marahil ay namimiss na naman nito ang anak. It's Been two year, pero ang trauma kay Elise ay buhay na buhay pa rin. Maging siya ay nalulungkot dahil hanggang ngayon walang balita sa anak nitong nawawala. "Love, namimiss mo lang ang anak mo, kaya ganyan ka kay Khalix. Halika na pumasok ka na at magpahinga, bukas uuwi ako ng maaga at mamasyal tayo.Ipamili nating ng damit at bagogn toys si Kenneth ha." Tumango na lang si Elise.Pero nagtaka si Kevin dahil ng sumunod na gabi nagsimula ulit umungol at bangungutin si Elise katulad noong unang mga buwan na akala nito patay ang kanyang anak.Madalas ay umuongol uto at umiiyak hanang nananaginip at tinatawag ang pangalan ng anak. Ngunit isang gabi ay malakas ang ungol ni Elise at ibang pangalan ang tinatawag kaya nangalala na siya.
"Elise... Elise, wake up you're having a nightmare again," tapik ni Kevin sa pisnge nito. Nagising naman at napabalikwas si Elise na pawisan. Pagdilat ng mga mata niya ay umiyak ng umiyak si Elise at yumakap sa kanya ng mahigpit. "Kevin tulungan mo ako, maawa ka sakin Kevin, tulungan mo ko. Alam ko nararamdaman ko, Anak ko si Khalix. Anak ko ang batang yun." "Elise, here we are again, ano bang sinasabi mo? Please forget everything," naaawang sabi ni Kevin. "Sige na, nakikiusap ako paimbestigahan mo, ipa-DNA mo ang bata para mo ng awa. Alam ko.... Alam ko Kevin nararamdaman ko anak ko si Khalix," umiiyak na sabi niya. "Relax Elise, makinig ka please, hindi mo pwedeng angkinin ang anak ng iba, please wag ka ng umiyak. Tahan na...tahan na." sabi ni Kevin ngunit siya man ay nahihirapan na sa sitwasyun ni Elise. "Pero bakit ganito Kevin?Bakit ganito ang pakiramdam ko kay Khalix?" Sabi ni Elise. Baka nalulungkot ka lang. Syempre namimiss mo yung anak mo," paunawa ni Kevin. "Hindi eh, Iba talaga pakiramdam ko Kevin, Para akong tinatawag palagi ni Khalix kapag tumitingin ako sa kanya. Parang napakagaan ng loob ko sa batang yun. Please, kahit palihim, gawan mo ng paraan na malaman, kung anak ba talaga nila yung bata. Baka siya si Kenneth. Baka siya yung anak kong nawawala." halos mapunit ang manggas ni Kevin kakahila ni Elise. "Malabong mangyari yun dahil nakita natin na nagbuntis si Soffie diba? Nakita ko naman na sanggol pa lamang dinadala na nila ang bata sa mansion At papaano naman makukuha ni Kenzo ang anak mo?" nahihirapang paliwanag ni Kevin. "Basta, masama talaga ang kutob ko. May masama akong kutob na may nangyari" Sabi pa nya. "Please, please, sige na, gawin mo Kevin. Kung hindi siya yung anak ko wala namang mawawala hindi ba? Basta please lang gumawa ka lang ng paraan para matahimik lang ako please." "Okay,Titingnan ko kung anong magagawa ko. Hindi ako nangangako kasi palagay ko hindi sila papayag. Pero sige gagawa ako ng paraan. Pipilitin ko. Maghintay ka lang please, mag relax ka lang okay." Pangako na lamang ni Kevin para manahimik si Elise."I'm so sorry, natakot ako noon, Elise, natakot akong kasulaman mo. Natakot akong mawala ka. Kaya kinaumagahan puno ako ng guilt dahil sa nagawa ko, pero hindi ako nagsisisi, at hinding-hindi ko pinagsisihan iyon Elise. Hindi ko na nagawang sabihin dahil sa hiya. Ang naisip ko na lang noon ay hindi naman mgbubunga dahil sa kapansanan ko. Kaya kung napansin mo, pagkatapos ng araw na iyon, madalas akong nagpapahatinggabi sa opisina. Hanggang sa isang araw na umuwi ako ng medyo gabi na, doon kita naabutan sa kwarto ko." "Hindi ba yun yung panahong nag-away tayo? Yun yung oras na sumama na ang loob ko dahil parang itinataboy mo ako?" sabi ni Elise. "Oo, pero hindi kita nais itaboy noon Elise, Gustong-gusto na kitang itakas noon pero nababaon ako sa gulit, ayokong maging miserable ka din sa akin, hindi kita mapapaligaya ng lubos." sabi ni Kevin. "Kaya iniwasan mo ako ng mga panahon na iyon ganun ba?kaya parang balewala sayo na may nangyari pala?" hindi naiwasan ni Elise na kahit matagl
Ang pagsusuri sa dugo at paghihiwalay ng stem sa dugo ni Kevin ay tumagal ng mahigit kuwarenta y otso (48) oras, ngunit sa kasalukuyan ay positibo naman ang balita. Pagkatapos noon, ang proseso ng pagsasalin ng mga stem cell ng dugo ay tumagal naman ng halos apat na oras. Lubos na ipinagpasalamat nina Elise at Kevin na magagamot na ang bata na may bihira nang sakit. Malusog ang katawan nito at malusog din naman ang katawan ni Kevin. Nakatulong ang pagiging hindi niya madalas na umiinom at ang pagiging walang bisyo niya. Matapos ibalita ng doktor na matagumpay na ang pamamaraan ng stem cell, halos sabay na tumulo ang luha nina Kevin at Elise. Labis labis na pagdarasal ang gjnawa ni Elise ng maiwan sa sild oanina, ta ang nurse, tanging dasal lamang ang maaari niyang kapitan sa oras na iyon. Halos manikip ang dibdib niya sa sobrang kaligayahan sa mgandang balita. "Congratulation for now Mr. and Mrs. Madrigal. Successful ang transplant but still we need to wait for several weeks para
Pagdating sa ospital ng Saint Lukes, agad namang inasikaso ng ilang doktor si Khalix. Dinala agad ito sa operating room, at agad silang kinausap ng doktor para sa pagsasagawa ng stemcell procedure. "Hi I'm Doctor Erwin Tan, i will be the one in-charge of his procedure. May I know who will be the donor?" tanong ng doktor. "Ako po Doc, " sabi ni Kevin na hindi nagawang tumingin kay Elise. Dahil nga naroon si Elise, hindi na nagawang mailihim pansamantala ni Kevin ang totoong sitwasyon. Narinig kasi mismo ni Elise sa bibig ni Kevin ang isang nakakagulat na rebelasyon. "Okay, for now you need to undergo some test sir, ganun din ang anak nyo. Blood screening may take time, kailangan kasing makita kung capable and healthy ang donor. Now just in case magkaproblema sayo, pwede rin ang ina ang maging donor, just make sure she is healhty. Nandito ba ang misis mo?" tanong ng doctor. "Yes Doc, she's with me." sagot ni Kevin na medyo sumulyap kay Elise. "I'm glad you are here, Misis. So hind
"Tama ang doktor Elise, makabubuti nga siguro na umuwi ka muna pati na rin si Khalix para makapagpahinga kayo. Kailangan mo 'yun para sa bata diba? Pangalawa, sigurong kailangan din 'yun ni Khalex para maihanda ang kanyang katawan, hindi biro ang sakit ng bata." sabi ni Kevin. "Teka, maiba ako, nabanggit ng doktor na iuwi muna natin si Khalix habang hindi pa tayo nakakagawa ng desisyon, Ano bang desisyon yun? tungkol ba saan?" usisa ni Elise. "Hmmm, kasi ah, sa totoo lang Elise, may sasabihin ako sa'yo." "Tungkol na naman ba ito sa anak ko Kevin?Pagtatalunan na naman ba natin ang bata?" "Hindi...Hindi yun! ang ibig kong sabihin, kase, hindi magagawa ni Soffie na makapag donate ng dugo kay Khalix dahil nasa presinto siya ngayon at humaharap sa mga kaso niya. May kasong ksiya at marami pang darating na kaso na isaspa ko sa kanya. Nagkataon lang na napahinto lahat dahil sa aksidente ni Khalix. Pero kapag nakauwi na tayo, itutuloy namin ang mga kaso laban sa kanya." paliwanang ng bin






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore