"Doc, negative po tayo sa blood type ng bata. Kailangan po nating ng direct donor." sabi ng nurse. "Bakit negative? madaming dumating mula sa Blood bank kahapon diba?" sabi ng doktor. "Yes Doc, pero puro po type O at A ang stock na naroroon wala pong available na type AB+ eh" sabi pa ng nurse. "Oh, Jesus, his blood type is rare saan tayo hahanap ng direk donor nito agad agad. Wala daw ang parents ng bata ayun sa tita niya." sabi ng doktor. Narinig ni Elise na kailangan ng Type AB+ na donor kaya sumingit si Elise sa usapan. "Doc, ako po, type AB+ ang dugo ko. Pwede po ba akong maging donor?" tanong niya. Kumunot ang noo ng doktor pero saglit lang saka ito napangiti. "Really, wow bihira ito na ang tita eh katype ng dugo ng pamangkin. Anyway pwede kang mag donor Misis. Madrigal." sabi ng doktor. "Ah, Nurse Jhen, kunan mo ng blood sample si Mrs. Madrigal and then prepare the transfusion asap." sabi ng doktor. Samantala, Aligaga naman si Kevin sa opisina matapos tawagan ng mga puli
Terakhir Diperbarui : 2025-12-18 Baca selengkapnya