Muling napahugot ng hangin si Caramel, nag-iipon ng lakas ng loob bago naisipang buksan ang pinto. Pagkapasok niya sa loob, nadatnan niyang nakaupo si Fourth sa kama, naka-dek’watro at nakahalukipkip. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” panimula ni Fourth. Napakunot-noo si Caramel. Matapang niya itong hinarap at siya man ay napahalukipkip rin. “'Yung alin?” tanong ni Caramel, kunwari’y walang alam sa tinutukoy nito. Naningkit ang mga mata ni Fourth bago tuluyang tumayo. “Ang tungkol sa mga anak natin,” sagot ni Fourth, may maigting na titig na nakapako sa mga mata niya. “Anak natin?” ulit ni Caramel, ang tono'y pagmaang-maangan pa rin. Mas lalo pang naningkit ang mga mata ni Fourth. “Pwede ba, Caramel, huwag mo akong gawing tanga. Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Alam ko na ang lahat at hindi mo ako maloloko,” mariing saad nito, at ramdam na ramdam ni Caramel ang lalim ng seryosong tinig nito. “Wala tayong anak, Fourth. Anak ko sila sa ibang lalaki,” mariin niyang pagsi
Terakhir Diperbarui : 2025-01-09 Baca selengkapnya