MALIWANAG at tahimik ang pribadong condo unit ni Selene sa isang eksklusibong residential tower sa Makati. Ang malalaking glass windows ay nagpapapasok ng malambot na ilaw ng madaling-araw, samantalang ang buong paligid ay nababalutan ng malamig na amoy ng fresh lilies at lavender.Inalalayan ni Selene si Felicity pumasok sa malawak na master suite ng condo. Agad na kumuha si Maya ng malinis na robe, tuyong tuwalya, at bagong pares ng pambahay na damit para sa dalaga.“Take a warm shower first, Felicity,” mahinahong bilin ni Selene habang inilalapag ang isang baso ng warm milk sa bedside table. “You look exhausted. My maid will prepare a light breakfast for you after.”Nakatayo si Felicity sa gitna ng silid, hawak-hawak ang tuyong tuwalya sa kaniyang balikat. Ang kaniyang mga mata ay namumula pa rin mula sa pag-iyak, ngunit sa kauna-unahang pagkakataon simula kaning madaling-araw, naramdaman niya ang kaunting kapayapaan at seguridad.“Maraming salamat po talaga, Ms. Selene... kayo po
Last Updated : 2026-08-18 Read more