Belle "Aba't balak pang tumakbo ng isa r'yan na nagmamaganda!" tukso ni Analisa. "Kulang ka lang sa sabunot para matauhan ka," saad nito't napaka ingay. "Hindi ah. Nabigla lang ako ng nakita kita kasi hindi ka umuwi kaya saglit akong natigilan," laban ko pagkatapos lumakad na ako patungo sa maliit naming lababo. “Besh! Umalis na pala ang dalawa,” saad ni Analisa na siyang konalingon ko sa kaniya. Oo nga pala hindi ko naitanong sina Jaya sa kanila ni Kuya Daniel. Dahil kay Scott agad napunta ang atensyon ko kanina. Tumango ako sa kaniya. Bigla akong napatingin kay Scott. Grabe sinusundan niya talaga ako ng titig dedma ko na lamang siya. Naglagay muna ako ng tubig sa heater para magkanaw ng gatas. Tanghali na nga kung tutuusin ang alas-diyes para sa almusal ko ngunit tanghali kasi akong nagising. Kahit naka plano ako kagabi na maaga akong magigising ngayon. Pasalamat na lang ako naabutan ko pa sina kuya Daniel. Siguro sinadya ng kuya ko hindi umalis dahil mayroon silang usapan
Last Updated : 2025-05-15 Read more