Lumapit si Jack sa tabi ni Shayne at umupo sa pinaka-komportableng pwesto. Napatinginan si Michael at Andeline, at sabay na nagpaalam, halatang binibigyan ng espasyo ang dalawa. Napangiti si Michael, pero hindi mo matitiyak kung pabor siya sa posibleng relasyon ng dalawa, o hindi.Sa totoo lang, kahit si Michael, hindi rin sigurado.Alam niyang deserve ni Shayne ang sumaya, pero alam din niyang mahirap talikuran ni Shayne ang nakaraan kay Eldreed. Noon pa man, siya mismo ang natalo kay Eldreed, paano pa kaya ang isang Jack?Iniabot ni Shayne ang isang tasa ng kape kay Jack. "Sorry, nabasa ka pa sa ulan."Ngumiti si Jack, uminom ng kaunti, pero napakunot ang noo. Mapait. Walang asukal. Napaisip tuloy siya kung sinadya iyon ni Shayne para ipahiwatig na hindi siya welcome.Pero ngumiti pa rin si Jack. “Miss Morsel, alam ko naman ang ibig sabihin nito. Kahit maghintay pa ako buong buhay, I’m willing.”Napatingin si Shayne. Medyo nailang siya sa pagiging diretso ni Jack, pero hindi niya ma
Last Updated : 2025-06-26 Read more