Napatingin si Sunny sa eksenang nasa harapan niya, si Shayne na yakap-yakap si Skyler, habang si Michael at Andeline ay tahimik lang na nakatayo sa tabi nila. May kakaibang awra ang grupo, elegante, tahimik pero kapansin-pansin, at tila hindi pangkaraniwan.Hindi man kilala ni Sunny kung sino talaga si Shayne, ramdam niyang ang babaeng ito ay hindi basta-basta. Lalo na’t kahit anino niya ay hindi lumilitaw sa kahit anong event o banquet sa siyudad, at sa kabila niyon ay mas malakas pa rin ang presensiya kaysa sa kanya.“This young lady… are you willing to part with that necklace?” ulit ni Sunny, medyo naiinis na sa tahimik na pangdededma ng grupo. “I’m willing to pay a price that will surely satisfy you.”Pakiramdam ni Sunny, siya naman ang mas maganda, mas kilala, at mas sikat, pero bakit parang hindi siya pinapansin? Sanay siyang pinapalibutan ng fans, pero ngayon, para siyang invisible.Iniabot niya ang blankong tseke, at buong yabang na iwinagayway ito sa harapan ni Shayne.Napati
Terakhir Diperbarui : 2025-06-23 Baca selengkapnya