Mabilis na lumipas ang mga linggo mula nang lisanin ni Gracie ang magarbong penthouse sa Maynila. Puno ng sugat ang kanyang puso, ngunit sa pagkakataong ito, pakiramdam niya ay nakalaya siya. Wala nang kasinungalingan. Wala nang pagpapanggap.Bumalik siya sa Lopez, Quezon. Sinalubong siya ni Aling Vicky ng mahigpit na yakap at mainit na sabaw. Tinanggap siyang muli sa event center, at unti-unti, sinubukan niyang buuin ang sariling pinulbos ng Maynila. Subalit sa bawat paglubog ng araw sa tabing-dagat ng probinsya, hindi niya maiwasang isipin ang lalaking naiwan niya sa gintong hawla.Samantala, sa Maynila, isang bagyo ang tahimik na namumuo.Hindi nagpahinga si Oliver. Ang dating malamig at striktong CEO ng Wright One Corporation ay nagbalik, ngunit ngayon, mas mapanganib at walang sinasanto. Ginamit niya ang buong yaman at kapangyarihan ng kanyang kumpanya para halukayin ang bawat itinatagong dumi nina Narita at Tatiana."Sir," bungad ni Jerome pagpasok nito sa opisina ni Oliver. Ini
Read more