LOGINMabilis na lumipas ang mga linggo mula nang lisanin ni Gracie ang magarbong penthouse sa Maynila. Puno ng sugat ang kanyang puso, ngunit sa pagkakataong ito, pakiramdam niya ay nakalaya siya. Wala nang kasinungalingan. Wala nang pagpapanggap.Bumalik siya sa Lopez, Quezon. Sinalubong siya ni Aling Vicky ng mahigpit na yakap at mainit na sabaw. Tinanggap siyang muli sa event center, at unti-unti, sinubukan niyang buuin ang sariling pinulbos ng Maynila. Subalit sa bawat paglubog ng araw sa tabing-dagat ng probinsya, hindi niya maiwasang isipin ang lalaking naiwan niya sa gintong hawla.Samantala, sa Maynila, isang bagyo ang tahimik na namumuo.Hindi nagpahinga si Oliver. Ang dating malamig at striktong CEO ng Wright One Corporation ay nagbalik, ngunit ngayon, mas mapanganib at walang sinasanto. Ginamit niya ang buong yaman at kapangyarihan ng kanyang kumpanya para halukayin ang bawat itinatagong dumi nina Narita at Tatiana."Sir," bungad ni Jerome pagpasok nito sa opisina ni Oliver. Ini
Dalawang buwan. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ma-discharge si Oliver sa ospital at iuwi siya nito sa penthouse upang doon magpagaling kasama si Gracie.Sa loob ng animnapung araw na iyon, naging paraiso at bilangguan ni Gracie ang penthouse. Naging tahimik at payapa ang pagsasama nila. Ipinagluluto niya ito araw-araw, sabay silang nanonood ng mga pelikula sa laptop (dahil nanatiling putol ang cable at internet), at sa gabi, natutulog siya sa mainit at pamilyar na yakap nito.Pisikal na ay tuluyan nang gumaling si Oliver. Tinanggal na ang benda sa ulo nito, naghilom na ang mga bali sa tadyang, at naibabalik na nito ang normal na lakas ng katawan. Ngunit habang bumabalik ang sigla ng binata, palakas nang palakas din ang kaba sa dibdib ni Gracie. Alam niyang malapit nang matunaw ang yelong kinatatayuan niya. Sa bawat araw na lumilipas na walang maalala si Oliver, mas bumibigat ang kasalanang dinadala niya.Isang hapon, umalis saglit si Jerome para asikasuhin ang ilang papeles
Hindi bumitaw si Oliver. Kahit nang dumating ang mga nurse para palitan ang dextrose niya, kahit nang pumasok ang doktor para tingnan ang kanyang pupil dilation, nanatiling nakahawak ang kamay nito kay Gracie. Tila ba ang kamay ng dalaga ang nag-iisang angkla na pumipigil sa kanya para tangayin siya ng dagat ng kalituhan. Nakaupo si Gracie sa gilid ng kama, sa isang hindi komportableng posisyon para lang hindi mabitawan ang kamay ng binata. Ang init ng palad ni Oliver ay pamilyar na pamilyar—ang init na dati’y nagpapatahan sa kanya, pero ngayo’y nagpapasupla sa kanyang konsensya. "Mr. Wright, stable na ang vitals mo," wika ni Dr. Montero, ang chief neurologist ng ospital. "But the scans show significant bruising on your frontal lobe. Kaya ka nahihirapang alalahanin ang mga recent events. Ito ang tinatawag nating post-traumatic retrograde amnesia." Kumunot ang noo ni Oliver. Halatang hirap pa itong mag-process ng impormasyon. "Kaya pala... kaya pala ang huling naalala ko ay nasa L
Ang tilaok ng mga manok at ang ingay ng mga traysikel sa labas ang gumising kay Gracie. Ipinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata, hinihiling na sana ay panaginip lang ang lahat. Hinihiling na sa pagdilat niya, ang kulay abong kisame ng bahay .ni Oliver ang makikita niya, at ang mabigat na braso nito ay nakayakap sa kanyang baywang.Ngunit nang tuluyan niyang imulat ang kanyang mga mata, ang nakita niya ay ang pamilyar na dingding na gawa sa plywood at ang lumang electric fan na maingay na umiikot sa sulok. Ang hangin ay hindi amoy air freshener ng hotel, kundi amoy ng sinangag na bawang at tuyo mula sa kusina ni Aling Vicky.Nasa Lopez siya. Nasa probinsya. Wala siya sa tabi ni Oliver. At higit sa lahat, wala na silang dalawa.Bumangon siya nang mabigat ang pakiramdam. Ang bawat kalamnan ng kanyang katawan ay nananakit, tila ba binugbog siya ng matinding pagod mula sa biyahe at sa walang humpay na pag-iyak kagabi. Mugto ang kanyang mga mata nang sumilip siya sa maliit na salamin
Ang tunog ng ting mula sa elevator ang huling pumasok sa pandinig ni Gracie. Hudyat iyon na nakarating na si Oliver sa penthouse—sa tuktok ng mundo nito, habang siya ay naiwang nakadapa sa lupa.Ilang minuto siyang nanatiling nakaluhod. Ang mga litrato ng kanyang nakaraan ay nakapalibot sa kanya tila mga matatalim na tingin na humuhusga."Ma'am?"Napapitlag si Gracie. Sa gilid niya, nakatayo ang gwardya ng building. Si Manong Bert. Dati, masigla itong bumabati sa kanya tuwing umaga. Pero ngayon, bakas sa mukha ng matanda ang awa at pagka-ilang. Hawak nito ang radyo sa kabilang kamay."Ma'am... pasensya na po," mahina nitong sabi. "Tumawag po ang security head. Kailangan ko na daw po kayong... i-escort palabas ng premises. Bawal na daw po kayo dito."Isang sampal na naman. Hindi lang siya basta tinanggal. Itinuring siyang banta. Itinuring siyang basura na kailangang ilabas bago mangamoy.Dahan-dahang tumayo si Gracie. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Mabilis niyang pin
Nang tuluyang magsara ang pinto, para bang hinugot lahat ng hangin sa loob ng kwarto.Nakatayo lang si Gracie, nakatingin sa seradura kung saan huling humawak ang kamay ni Oliver. Wala nang yabag. Wala nang boses. Tanging ang ugong ng aircon at ang malakas na kabog ng dibdib niya ang naririnig niya.“We’ll talk.”Paulit-ulit iyong umeco sa isip niya. Hindi sigaw, hindi galit. Pero iyon ang mas nakakatakot—ang kalmado at pormal na tono ni Oliver. Iyon ang tono ng isang negosyanteng nakatuklas ng lugi, o ng isang huwes na handa nang ibaba ang hatol.Napaupo si Gracie sa gilid ng kama. Nanginginig ang mga tuhod niya. Gusto niyang habulin si Oliver, gusto niyang magpaliwanag, pero alam niyang wala na ito. Nakaalis na ito. At ang paghabol dito ngayon ay parang pagdagdag lang ng gasolina sa apoy.Dumako ang tingin niya sa kanyang cellphone na nasa mesa. Umilaw ito muli. Ang mensaheng hindi niya binuksan kanina habang kasama si Oliver.Kinuha niya ito, mabigat ang kamay. Ang pangalan sa scre
Napapikit si Gracie, pinilit ang sariling huminga nang malalim habang ramdam pa rin ang init ng haplos ni Oliver—isang init na tila hindi lang mula sa kanyang palad kundi sa mismong kaluluwang humihiling ng sagot. Gusto niyang magpakatatag. Gusto niyang tapusin ang sandaling iyon—ngunit huli na. Wa
Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang n
Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa in
Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iy







