MULING MAGING AKINChapter 162: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Congratulations, it’s a healthy baby boy!” Napangiti ako ng ipakita sa aking ng doktor ang anak ko.“Ang tambok ng pisngi! Hello, baby ko!” Nakangiti pero naluluha kong sabi. Ang cute niya, parang siopao ang pisngi.Same feeling ng ipinanganak ko noon si Zanyca, para akong nanalo sa lotto. Worth it lahat ng pagod, puyat at sakit. Still the most wonderful feeling.Ako, ang mga nurse at doktor ko lang ang narito sa loob ng delivery room. Ang asawa ko ay naghihintay na lang sa labas. “Ang gwapong bata! Tisoy!” Masayang wika ng doktor, tumango-tango din ang mga nurse. “Ma’am, kapag ako nagka-anak ng babae, reto ko sa anak mo ha? Magkalahi man lang kami ng Tisoy.” Natatawang sabi ng isang nurse habang patuloy pa rin sa pag-aasikaso sa aming mag-ina. Maganda siya at morena, mukha din na mas bata pa siya sa akin ng ilang taon. ILANG sandali pa ay inilipat na rin ako sa sarili kong kwarto, isusunod na lang nila si baby Axl. Du
Terakhir Diperbarui : 2025-03-31 Baca selengkapnya