DAN'S POV Buong pagsuyo niya akong hinalikan. Dama ko ang pagmamahal sa bawat lapat ng mga labi namin. “Dan, thank you. Masaya akong marinig ’yan mula sa’yo. Pangako, hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay mo sa akin.” Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Matapos naming magkasundo sa plano tungkol sa merging ng mga kumpanya namin, nagpatuloy na siyang kumain. “Babe, ano ang ipapangalan natin sa company natin kapag nag-merge na ito?” tanong ko. “Ikaw, ano ba ang gusto mo?” balik niyang tanong sa akin. “Ayokong makalimutan ang hard work ni Dad, kaya gusto ko sana, Saavedra pa rin,” sagot ko, kahit alam kong medyo unfair iyon sa kanya. “Hmm... why not Saavedra-De Vera International Corporation? What do you think, Babe?” suhestiyon niya. “Yes, I want that,” masaya kong sagot. Nakaka-excite magplano kasama ang taong mahal ko at pag-isahin ang lahat ng meron kami—ang mga pangarap, ari-arian, pamilya, at maging ang mga buhay namin. Unti-unti kong nararamdaman na mas tumiti
Read more