"Doc, okay na ako, promise! P'wede na akong lumabas, actually, p'wede na rin po ako bumalik sa trabaho." Binisita ni Dra. Garcia si Czarina sa hospital room niya. At halos magmakaawa ang babae na payagan na siyang makalabas doon. Ayaw ni Czarina na magtagal doon lalo na't para sa kanya ay ayos naman na talaga siya. Pero ipinipilit nila na kailangan niyang magpahinga. "Utos ni President Yu na pagpahingain ka muna rito, wala akong magagawa roon dahil iyon din sigurado ang gusto ng pamilya mo," seryosong paliwanag ng doktora. "Doc," naiiyak na sabi ni Czarina. "Ano naman ang gagawin ko rito? Gusto ko ng magtrabaho, gusto ko makatulong naman dito at hindi yung ganito..."Hindi napigilan ni Dra. Garcia na matawa sa parang bata na pasyente niya. "Susubukan kong kausapin si Pres, okay?"Wala ng nagawa pa si Czarina kung hindi ang tumango."P'wede ko naman pong bisitahin si Divine, hindi ba?" Tumango si Dra. Garcia sa tanong na iyon.Pagkalabas ng doctor sa kwarto niya ay sumunod din s
Last Updated : 2025-12-02 Read more