Paalis na si Czarina sa restaurant at naghihintay na lang ng sundo niya nang may humintong pamilyar na sasakyan sa kanyang harapan. Bumukas ang bintana ng driver seat at iniluwa no'n si Zayden Hart. "Get in the car," anito, kalmado, seryoso, pero hindi galit. He looks a bit off right now. Bagaman hindi maipagkakaila na gwapo talaga ang lalaki, ay halata ang pagod sa mukha nito, na tila hindi na nakakatulog ng maayos sa dami ng iniisip. "Uuwi na ako, Mr. Hart," malamig na sabi ni Czarina rito. Aminado si Czarina na nagulat siya sa pagdating ni Zayden. Ilang minuto pa lamang ang lumipas mula nang sinundan nito si Chloe. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Alam niya na na nandito ang fiance niya? "Get in the car," pag-uulit ni Zayden na tila walang narinig. "Bakit ba? Uuwi na nga ako," pairap na sagot ni Czarina dahil maski siya'y nauubusan na ng pasensya. Magsasalita na sana si Zayden ng isasagot sa kanya nang tumunog ang cellphone ng babae. Nag-notif na sa kanya ang isang m
Read more