"Paul, ano ang sabi niya? Hindi ka raw kilala? Mukhang minamaliit ka, pre!" dinig ni Czarina na sabi ng katabi nito. "Paul Hunter mula sa Hunter Group, bulag ka ba o bingi?" galit na sigaw ng lalaki at binasag ang baso na gamit ni Czarina kanina. Sa halip na matakot ay tinapatan ni Czarina ang galit nito. "Bakit? Sino ka ba sana? Puro ka lang naman yabang!" Kinuha ni Czarina ang baso na may lamang tubig sa mesa at itinapon ang laman no'n sa mujha ng lalaki. "May pinainom kayong kung ano sa kaibigan ko at kung makaasta kayo ay parang napakaimportante niyong tao. Now, you're glaring at me, huh?" Kinuha nito ang wala ng laman na bote ng wine at ibinigay sa lalaki. "Gusto mo akong saktan? Go on! Ihampas mo sa ulo ko!" Gusto niyang bigyan siya nito ng mas matinding dahilan para gumanti. "Ano? Mahina ka pala, eh, puro kayo salita!" pag-po-provoke ni Czarina rito. Nagkatinginan ang mga lalaki, halatang hindi nila inaasahan iyon. Nasa kamay na ngayon ni Paul ang bote ng wine at hindi
Read more