Ang style ng birthday nila ay parang camping lang. E, papaano, si Lovianne ang nag-decide. Mahihindian ko ba ang batang 'yon? Saka minsan lang naman ito, susulitin ko na lang. "Baby, are you tired?" Nakasunod si Logan sa akin. Hinawakan niya ako sa pulsuhan kaya agad aking napaharap sa kaniya. Umiling ako. I don't want to bother me. Saka kung pagod man ako, hindi niya naman ako mabubuhat? E, siya ang nagdala ng tent namin saka marami pa. "Are you sure? Pero nagbu-blush ka. In fairness, kahit napapagod ka, maganda pa rin." He teased. Uminit lang ang buong pisngi ko. Gusto kong matawa sa sinabi niya dahil sa kilig pero pinipigilan ko lang. "Totoo, hindi ako pagod. Let's just keep walking. Nauna na si uncle, baka nahirapan siya sa dalawang 'yon. Ang kukulit pa naman," I said and flicked my head to the narrow way. "Paris!" Tawag niya sa kasama niya. "Pasanin mi 'tong tent natin. Maliit lang naman 'yan.""Bakit, Logan? Ikaw? Wala kang dadalhin?" Reklamo ni Paris habang kumunot ang noo
Last Updated : 2025-07-30 Read more