"Kain muna tayo, gutom ako, eh..." reklamo ni Kristine at umupo sa tabi ko. "Saka hindi tayo bati. Hindi mo ako ginising kagabi. Hinayaan mo lang akong matulog. 'Buti pa itong best friend ko, kapag gutom ako, nilulutuan niya ako sa condo.""Sorry na, babe. Alam mo namang marami akong ginawa kagabi, hindi ba? Hinilot naman kita. Pinunasan ko ang mukha mo dahil nagmamantika. Tapos... tinimplahan kita ng kape pagkagising mo, hindi ba?" sagot ni Andrew at humalukipkip sa harapan niya. "Sa bahay na lang tayo kumain. Ipagluto kita ro'n."Sandaling natahimik si Kristine. Ang akala ko, papayag siya. Pero tumanggi siya. Aniya, sasamahan niya akong kumain dahil minsan lang kami nagkikita. Sa round table, katabi ko si Logan.Nang makarating ang order namin, agad nilagyan ni Logan ng kanin at ulam ang plato ko bago ang sa kanya."Eat up," aniya at sumenyas sa akin na kumain na.Tinitigan ko ang dalawa habang nagbabangayan. Ang isa, gustong siya ang magbabayad. Si Kristine naman, feeling mayaman.
Last Updated : 2025-04-21 Read more