Never lost hope Ralph POV Hindi ko na rin gaanong nakakausap ang Kuya ni Hershey. Noong una, palagi kaming nag-uusap. Nagpapalitan ng impormasyon at nagkukumustahan. Nagbibigay ng leads. Nagtatanungan kami kung may balita na ba. Pero habang tumatagal, pareho kaming nalunod sa kanya-kanya naming responsibilidad. Ako na busy sa sarili kong negosyo at paghahanap kay Hershey. Si Kuya naman sa sarili nitong trabaho at sa mga problemang dumating matapos ang lahat. At may isa akong bagay na napansin. Wala na sila ng girlfriend niya. Hindi ko na tinanong ang dahilan ng hiwalayan nila. Hindi ko alam kung kailan sila naghiwalay. Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan. Pero sa totoo lang, parang wala na akong panahon para malaman. At parang wala na akong pakialam pa. Pero isang gabi, may message mula sa Kuya ni Hershey. "Any news?" basa ko sa message niya. Matagal bago ako sumagot. Bago ako nag-reply. "None. Still looking for her," sagot ko. Makalipas ang ilang minuto,
Leer más