Back to Philippines Ralph Pov Kinagabihan, habang nasa hotel ako, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Danny. May kalakip itong dokumentong nakuha mula sa lumang, legal na nailipat na archive. Hindi kumpleto ang rekord. May ilang impormasyong tinakpan para maprotektahan ang pribadong detalye ng dating pasyente. Pero may isang bahagi roon na hindi ko maalis sa paningin ko. Destination after discharge: Philippines. Napatayo ako mula sa kama. Gulat sa nabasa. "Philippines?" bulalas ko pa na halos hindi makapaniwala. Muli kong binasa ang dokumento. Hindi pa iyon patunay na nakauwi na si Hershey. Hindi rin nito sinasabi kung kailan siya umalis o kung saan siya tumuloy. Pero kung totoo ang rekord, posible palang matagal nang nasa Pilipinas ang babaeng ilang taon kong hinahanap sa Amerika. O, baka ngayon pa lang ang flight niya? Pero ang sabi ay lumang dokumento. Kung gano'n ay alam na kaya ni kuya Haris na nasa Pinas na si Hershey? "Naguguluhan ako," wala sa sariling
Read more