Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
View MoreChapter 150 Harrison Napatigil kami ng may rumaragasang sasakyan patungong gawi namin. Pero dahan-dahan na tumigil ang sasakyan ng makitang maraming nakaharang na sasakyan. Gusto ko sanang magpakita agad, kaso pinigilan ako ni Tito. "Dito ka lang sa gilid. Huwag magpadalos-dalos na magpakita, baka mas lalong magkaaberya ang plano. Baka saktan pa nila ang anak at kapatid mo," pigil nito sa akin. Kaya nakinig na lang ako sa kanya. Nakasilip lang ako habang ang mga ito ay naka-ready na ang mga hawak nilang baril sa van sa di kalayuan dito. SWAT ang ibang nandito para tulungang makuha ang mga bihag at mahuli na ang mga holdaper. Lumapit ang isang pulis sa van na may hawak na megaphone. "Buksan mo ang pinto. Wala ka nang mapupuntahan pa. Huwag niyo sanang idamay ang bihag. Pag-usapan natin ito ng maayos!" rinig kong sabi ng pulis. Napadapa ang pulis dahil nagpaulan sila ng putok ng baril. Mabuti na lang alerto ito. "Walang magpapaputok kundi patay ang hawak namin
Chapter 149 Harisson Nagulat ako nang bigla na lang pumasok sa opisina ko ang secretary ko nang hindi man lang nagka-katok. "Sir, pasensya na po, pero emergency po. Tumawag ang kasambahay ng grandparents mo at sinasabi na nag-panic attack ang asawa mo," "What happened to my wife?" agad kong tanong. Kinabahan na ako bigla sa balita ng secretary ko. "May natanggap raw siyang mga mensahe na pagbabanta sa pamilya niya. Tawagan mo na siya, Sir," sabi nito. Tumango ako at kinuha ang cellphone ko. Agad kong tinawagan ang number ni Marga. Kahit ako'y kinabahan at natakot sa anumang mangyari sa pagbabanta na iyan."Don't panic, Mahal. Everything will be okay," pang-aalo ko kay Marga. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng boses nito dulot ng takot at kaba. "Send me all the messages and the unknown number. Huwag ka mag-alala, safe ang anak natin at si Hershey. Paparating na raw sila dito sa opisina ko," sabi ko pa. Nagpaalam na ako at kinontak ko ang kakilala kong hacker par
Chapter 148 Margarita "What happened, hija?" nag-aalala na tanong ni Lola. Takot at pangamba ang nararamdaman ko sa oras na ito. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa nararamdaman kong pag-aalala sa anak ko at kay Hershey. Lalo na ang pamilya ko sa probinsya. "N-Nakatanggap ako ng mga mensahe na may pagbabanta. Natakot po ako na baka isa sa pamilya ko ang madamay," naluluha kong sambit. Pinakita ko sa mag-asawa ang natanggap kong mensahe. Pati sila natakot at nangamba sa mensaheng nabasa nila. "Wala naman akong pinagbigyan ng number ko. Bago lang ito na binili ni Harrison sa akin," sabi ko pa. Kinukontak ko na si Hershey pero hindi ito sumasagot sa tawag ko. Lalo akong nag-alala. Kaya hinayaan ko na muna at tatawag ulit ako mamaya. May nagpop-up na naman na text messages, ayoko sana basahin, kaso ang mga kamay ko ay kusang gumalaw. Text Messages -Boöm!- halos mapatalon ako sa kaba at takot. -Its party time- Nanginig ang mga kamay ko sa takot. Halos mawalan na n
Chapter 147 Margarita Kami lang ni baby Hollis ang nandito sa mansion ng grandparents ni Harrison. Ayaw sumama si baby Hollis dahil gusto niya mabuo ang Lego na binili ng Lolo niya. Sinama kasi ni Hershey si baby Molly sa mall. May gustong ipabili ang bata na mga coloring books at mga beads dahil gusto niyang gumawa ng mga pulseras. Kaya sumama siya sa Tita niya. May kasama naman silang driver at dalawang bodyguards, kaya panatag ang loob ko na safe sila sa labas. May nagpop-up na mensahe sa phone ko, isa sa Messënger ko at ang isa sa text messages. Inuna ko munang basahin ang mensahe ni Hershey. Sis Hershey -Sis, pagkatapos naming mag-malling, daan raw kami sa opisina ni Kuya para sabay na kaming umuwi mamaya.- -Patanong kay baby Hollis kung ano ang gusto niyang pasalubong mamaya, pag-uwi namin.- dagdag pa ni Hershey. Kaya agad ko naman tinanong ang anak kong lalaki na busy sa ginagawa sa sahig. "Anak, ano daw gusto mo pasalubong tanong ni Tita Ganda?" tanong ko.
Chapter 146 Harisson May invitation akong natanggap mula sa kaibigan kong si Stephen. Anniversary raw ng kumpanya ng mga magulang niya. Hindi sana ako dadalo, kaya lang hindi makakadalo ang mga magulang ko, kaya ako ang representative ng pamilya. Ayoko rin isama si Marga dahil alam kong hindi pa siya sanay sa ganitong pagtitipon. Pero tinanong ko pa rin siya. "Mahal, gusto mo bang sumama sa akin sa party?" "No way, high way, express way! I mean, ayoko, hindi ako belong sa mga magagarang party. Okay lang ako dito, wag mo na ako isama pa," tipid niyang ngiti. "Mas maganda kapag dumadalo ka sa mga ganitong pagtitipon minsan para masanay ka, Mahal," pilit ko pa. Naghihintay ako sa sagot niya, pero umiling-iling lang ito. "Saka na lang kapag naka-blonde hair na ako. Bagay ko ang ganoong buhok, di ba? Yayamanin! Mukha na akong taga englishing country," bungisngis pa niya. Napangiti ako sa kalokohan na naman nito. Tumingin ako sa kanya at pinasadahan ko ang buhok niya.
Chapter 145 Margarita "Lolo Augustine, paano nangyari na siya ang may pakana ng lahat ng ito?" tanong ko.Hindi ako makapaniwala sa siniwalat ni Lolo Augustine. "That's what my agent told me. He heard everything, hija," sagot ni Lolo. "Hindi lang po kasi ako makapaniwala na siya ang puno't dulo ng lahat. Wala naman po akong kasalanan na pati ang kawawang pamilya ko'y dinamay niya. Pati ang barong-barong naming bahay, hindi pinalagpas, pinasunog pa," sumakit na naman ang dibdib ko nang maalala ang kawawang bahay namin na nilamon ng sunog. "Anong dahilan niya at kaya niya ginawa iyon, Grandpa?" tanong ni Harisson. "Inggit, matinding selos at pagkagusto kay Marga. He is a spoiled brat son that whatever he wants, gusto niya makuha agad. Na-stress siya nang nawala sa paningin niya si Marga. Hindi niya magawang agawin ka, hija, dahil sa kaalaman na may anak na kayo ni Harisson," kwento ni Lolo Augustine. Napasinghap ako sa sinabi ni Lolo. Nag-flashback ang mga araw na nagtatra
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments