Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga HersheyPag-uwi ko sa mansion, nagulat pa ako nang madatnan ko si Kuya at Ate Tiffany sa sala."Oh, mabuti nandito ka na, hija," bungad ni Grandma."Hello, sis. How are you feeling now? Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo at pasensya na, nasa Cebu ako that time, busy sa pictorial," paumanhin nito sabay lapit sa akin at niyakap ako.Mabait ang kasintahan ni Kuya, at boto si Mommy sa kanya. Sana magbago na si Kuya. Namimiss ko rin naman siya sana bumalik na siya sa dating Kuya ko, taga- pagtanggol ko sa lahat.Nanubig ang mga mata ko ng maalala ang mga masasayang araw namin noong mga bata pa kami lagi niya ako pinagtatanggol. Tapos ngayon nag-iba na siya dahil kay Mommy.Nakita kong tumayo rin si Kuya at lumapit sa amin ni Ate Tiffany. Ang ikinagulat ko ay basta na lang niya ako niyakap ng mahigpit. Napasinghap ako sa gulat.Nagtitili naman sa tuwa si Ate Tiffany sa nasaksihan, ganun din sila, Grandma at Grandpa.Hindi ko na mapigilan na umiy
Last Updated : 2025-10-28 Read more