"I'm sorry ma'am, pero hindi kami maaaring magbigay ng ano mang impormasyon tungkol sa mga guest ng hotel."Nakangiti pero halata na nangingilatis ang babae sa front desk ng Marina hotel. Pasimple siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa pati na ng dalawa pa nitong kasama."At isa pa, wala rin po kayong kumpletong impormasyon sa hinahanap ninyong tao bukod sa kanilang mga unang pangalan."Binasa niya ang kanyang labi."Hindi ko kasi nakuha. Ahm, ang totoo, nakasabay ko lang sila sa taxi na sinakyan ko. Nagbabakasakali lang ako na nakita niya yung wallet kong nahulog sa taxi since huli siyang bumaba. As you can see, I am not from here, at naroon sa wallet ko ang pera ko at mga cards. So please.. ahm, matangkad siya, mga 6'2 tapos ang kanyang mga mata ay kulay luntian. Gusto ko lang naman sana siyang makausap kahit sandali. So please miss, baka meron kayong guest na Rad ang unang pangalan o kaya naman ay Rigen. Kailangan na kailangan ko lang talaga silang makausap. Please."She try
Terakhir Diperbarui : 2025-03-11 Baca selengkapnya