DALAWANG araw na ang lumipas pero ganoon pa rin ang kalagayan ni Reynaldo. Wala pa ring pag-unlad. Malungkot na nakatunghay si Jena sa unang lalaking minahal, hawak ang malamig nitong kamay, umaasang magising ito. "Reynaldo, isang linggo ka nang nasa ospital. Naghihintay pa rin kami ng anak mo... Ako. Gumising ka na naman, Reynaldo... kailangan ka namin," umiiyak na usal ni Jena, halos pabulong pero punô ng pagmamakaawa. Sa pagkawala ni Reynaldo, parang unti-unting kinukuha ni Renan ang lahat—ang mansyon, ang kompanya, pati ang katahimikan niya. Ayaw na ayaw na niyang umuwi. Isang saglit lang na magkita sila ni Carlita, baka hindi na niya mapigil ang sarili. Atat na atat na ang mag-asawang 'yon na mapaalis siya sa mansyon. Pero hindi siya aalis. Hindi pa. Aalis siya, pero sa mismong araw na magising si Reynaldo. Hindi habang nakaratay pa ito. "Ma’am, may tawag po kayo sa telepono..." Napalingon si Jena nang marinig ang tawag ng nurse mula sa may pinto. Mabilis niyang pinunasan a
Last Updated : 2025-06-08 Read more