"MARTIN, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Naomi nang bigla na lang sumulpot si Martin sa harap niya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya mula ulo hanggang paa at kita ang labis na pagkadisgusto sa hitsura niya. "F*ck, Naomi! Tinitiis mo ang lahat ng ginagawa nila sa iyo kapalit ng ano? You're not the one who should pay for the sin you didn't do kaya bakit ginagawa mo lahat ng gusto nila?" galit na sabi nito. Yumuko siya at pinagdikit ang mga labi habang hawak niya ang sariling daliri. Hindi siya umimik. "Take off that clothes, Naomi and don't you ever wear that again," maawtoridad na sabi nito. Umiling siya. "K-kailangan kong gawin ito, Martin at kaya ko naman kaya huwag ka ng mag-alala pa sa akin. Sanay ako sa gawaing bahay at basic lang naman sa akin ang lahat," depensa niya. Napahawak sa noo si Martin na halatang naiinis sa katigasan ng ulo niya. "Kailangang gawin? For what, dahil sa utang na loob na sinasabi mo? Sa perang ginastos ni Grayson sa inyo ni Nonoy? Ku
최신 업데이트 : 2025-06-16 더 보기