"Yes, Sir. Got it! Sa makawala, luluwas na kami," sabi ni Samantha. Gamit niya ang burner phone ay tinawagan niya ang kaniyang komander. Napag-usapan niang sa oras at araw na iyon siya tatawag. If its clear for them to go."Meet the troop..." utos ng komander nila. Sinabi ang lokasyon.Nang matapos ang tawag ay humarap siya sa tatlong kasama. Nakatingin sa kaniya at pawang mga seryosong naghihintay ng balita. "We can go back. Natrace na daw ang kuta ng gustong pumatay kay Leila. Sa makawala, luluwas na tayo," sabi niya. Nakahinga nang maluwag ang tatlo. Napayakap si Leila kay Ethan habang si Basti naman ay napabuntong hininga. Sa wakas, matatapos na ang pagtatago nila.Napatingin si Basti kay Samantha. Hindi na siya pinapansin ng dalaga simula noong tinanggihan niya ang pagmamahal nito. Medyo awkward pero hindi niya puwedeng pilitin ang sarili na gustuhin ito.Hindi kami bagay, iyon ang laging nasa isip niya. Kung meron man nababagay sa kaniya, may nagmamay-ari na dito.Napalingon
Magbasa pa