Chapter 171 – Buntis ulit?“Buntis ako? Paano? Bakit?” nalilito kong tanong. Hindi ko malaman kung maiiyak ako o tatawa.“Two months ng pregnant si George?” sabi ni James sa sarili na parang hindi makapaniwala sa sinabi ng duktor sa kanya kanina.. “Teka, anong paano? Anong bakit? Mag-asawa tayo, natural puwede kang magbuntis!”“But we are using protections!” sagot ko.“Iiwan ko na muna kayong mag-asawa. But, the baby is fine. Mag-rereseta na lang ako ng mga vitamins at minerals para lumakas ang iyong katawan. Other than that, puwede ka ng ma-discharge sa ospital.” sabi ng duktor.“Remember, Paris? Hindi tayo gumamit ng proteksyon noon!” paalala ni James sa akin. “Bakit nag-aalala ka? Mag-asawa tayo! Kasal tayo! Ayaw mo bang magka-anak ulit?”“Hindi naman, kaya lang baka ayaw mo!” sabi ko kay James.“Anong ayaw? Gusto ko nga lima, para isang team na ng basketball! May coach na, may muse pa!” biro ni James sabay halik sa noo ko.“Talaga?” paniniguro kong tanong kay James. “Masis
Huling Na-update : 2025-08-23 Magbasa pa